Charlene Gonzalez leaves ABS-CBN for GMA-7's sister station QTV-11

Former Kapamilya star Charlene Gonzalez is now the new host of "Proudly Filipina," the show featuring Pinay empowerment, which is telecast over QTV-11, GMA-7's sister station.



Isang bonggang presscon ang ibinigay ng QTV-11 para saformer Bb. Pilipinas-Universe na si Charlene Gonzalez. Si Charlene na kasi angmaghu-host ng Proudly Filipina starting Friday, February 29, at 7 p.m. SiDaphne Oseña-Paez ang dating host ng show.

Sa Meeting Room 3 & 4 sa Mezzanine ng Dusit Hotel,kung saan ginanap ang presscon, malugod na nakipag-usap si Charlene sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang presspeople.

"ACCIDENTAL ARTISTA." Kuwento ni Charlene,16 years na siya sa showbiz. Akala niya kasi noon, matapos manalo asBb. Pilipinas-Universe 1994 at mag-compete that same year sa Miss Universe Pageant naginanap din dito sa Pilipinas, one or two years lang siyang tatagal sa show business.

"Akala ko talaga accidental artista or celebrity langako," nakangiti niyang pagbabalik-alaala. "Pero until now, nandito pa rinako, inspirado pa ring magtrabaho."

Hindi ba tumanggi ang husband niyang si Aga Muhlach na mulisiyang mag-show?

"Nagulat nga ako na may VTR pala siya. Na sinabi paniyang nagdasal siya na makapasok ako sa ganitong programa. He's reallyhappy for me," sambit ni Charlene.

Pagmamalaki pa ni Aga sa VTR, makikilala raw ng mga manonoodkung gaano kabait at kahusay si Charlene bilang isang wife, mother to theirchildren, and daughter to her parents.

ATASHA & ANDRES. Speaking of their children, Atashaand Andres, tanggap na raw ng mga ito ang trabaho nila ni Aga bilang mgaartista. In fact, akala nga raw ng mga ito ay kasing normal lang ng kahit naanong activity sa bahay ang mga trabahong ginagawa nilang mag-asawa.

"Noong mag-taping nga ako ng OBB [opening billboard] ng Proudly Filipina,gusto nilang sumama, kaya lang pinigilan ko," kuwento ni Charlene. "Sabi kobaka magulo sila, pero sa mga susunod na taping, isasama ko na sila."

Kuwento pa ni Charlene, normal na rin nga raw sa kambal yung pakaway-kaway sa fans."Happy sila na lagi silang kumakaway at bumabati sa mga taong nakikita nila saset o kahit saan kami pumunta. Feeling kasi nila, kilala sila ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noon ngang pumunta kami sa States, they say ‘Hi!' toeverybody dahil akala nila, ganoon dapat. Hindi pa nila alam ang magnitude ngtrabaho namin ni Aga. Akala nila naglalaro lang sila, like noongnagsu-shoot kami ng Jollibee commercial, akala nila we're playing with them,"nangingiting lahad ni Charlene.

Tuluyan na ba nilang ipapasok ni Aga sa showbiz ang kambalafter gumawa ng TV commercial?

"Ayaw na muna namin," sagot ni Charlene. "Sa commercial, very selective kami niAga, sa Jollibee lang talaga kami pumayag dahil ang laki ng nagawa ng Jolibeesa amin. Yung pag-aartista, siguro kapag nakatapos na sila ng college atgusto pa nila, hindi namin sila pipigilan. As of now, we have to protectand shelter them as much as possible. We want them to live a normal life."

May ipinapakita na bang talents ang kambal?

"Atasha plays the piano very well. Andres loves todance. Nagko-choreo na nga siya ng sarili niya. Minsan nga, tinanong ko siyakung ano ang ginagawa niya dahil tahimik siya. Sabi niya, he's concentrating dawon his choreography. Nakakatuwa! Wala namang nagtuturo sa kanya. Biro nga saakin, namana raw siguro ni Andres ang hilig ko sa pagsayaw,"pagmamalaki niCharlene about their twins.

DOING DYESEBEL. Ire-remake ang Dyesebel ngGMA-7 na si Marian Rivera ang gaganap. Sabi-sabi, may ibibigay daw na role kay Charlene dito. Anong tingin ni Charlene?

"Wow! Si Marian, she's very beautiful," bulalas niya. "Bagay na bagaysa kanya ang Dyesebel. As of now, wala pa namang formality. Kungmay offer man sila, if ever, why not? But I will be meeting pa with everyone.Ang commitment ko pa lang talaga, sa QTV-11 at sa Proudly Filipina. Oneat a time muna.

"Saka we're leaving kasi, kami ni Aga at ang kambal, for the States next month. Gusto naming manood ng fight ni MannyPacquiao, kung makabibili pa kami ng tickets. Kaya sana, may mabili pa kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi magtatagal si Aga. Mauuna siyang bumalik dito,kasi tatapusin niya ang movie nila ni Anne Curtis, ang Waiting For You. Me and the twins will stay in the States. Matagal-tagal na rin kasi akong hindinakakabisita sa relatives namin doon. Pero hindi rin naman kami gaanongmagtatagal, kasi nga mag-a-advanced taping lang ako ng Proudly Filipina,enough hanggang sa makabalik kami ng kambal."

OF BERNARD BONNIN & BURNING BRIDGES. Tinantiya munanamin si Charlene kung sasagot ng personal question hinggil sa daddy niya, siBernard Bonnin, na meron daw personal request sa kanya. Ibinulong nalamang namin sa kanya ang tanong, at ang sagot niya:

"Basta, mahal ko silang lahat. Yes, why not? My dad, Ilove him very much. I'm happy na he's working again,napapanood ko siya sa Palos," saad ni Charlene.

Hiningan pa ng komento si Charlene kung ano ang masasabiniya na nasa iba na siyang network.

"Nagpaalam din naman ako sa ABS-CBN, dahil alam ko,maliit lang ang industry natin. Sooner or later, mami-meet mo pa rin yung mgauna mong nakatrabaho, kaya I don't burn bridges. Like me, nag-start ako saGMA-7, napunta ako sa ABC-5, ‘tapos sa ABS-CBN, at ngayon, nasa QTV-11 naako. I can only say na, ‘ang isang magandang pamilya ay may malakingpuso.'"

May sumingit ng tanong kung may gagawin na rin siya sa GMA-7.

Pagtawa lang muna naging sagot ng former beauty queen. Sinundutan pa siya uli ng tanong kung tuloy ang pagiging anchor niya sa BinibiningPilipinas beauty pageant sa Araneta Coliseum on March 8.

"Yes, with Raymond Gutierrez and Paolo Bediones," kumpirma niya.

Napahalakhak na lang si Charlene nang i-remind siya ng kaharapna press na unwittingly ay nasagot na niya ang tanong kung may gagawin siya saGMA-7.

Hindi ba't sa GMA-7 ipalalabas ang Binibining Pilipinas?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN