Nadia Montenegro talks back against Gretchen Barretto

"Puro front lang nakikita n'yo kay Gretchen. Diamonds, Jaguar, beautiful face,sexy, milyonarya, pero ang itim ng puso. Grade 4 pa lang kami, puro pagpapasensiya na ang ginagawa ko riyan. Milyonaryorin ako, pero ang pagkakaiba namin, milyon ang friends ko, siya, milyon angkaaway," says Nadia Montenegro (right) about Gretchen Barretto (left).


Matapos magsalita si Claudine Barretto ukol sa taongdiumano'y nagkakalat ng mga maling balita tungkol sa kanyang ate na si GretchenBarretto, naging bulung-bulungan na si Nadia Montenegro ang maaaring tinutukoyng aktres.

Sa balitang inilabas ng PEP (Philippine EntertainmentPortal), tinukoy ni Claudine na isang insider sa showbiz ang naglalabas ng balitatungkol kay Gretchen. Dagdag pa niya,isa raw itong artista na akala nila ay isang kaibigan ngunit tatraydurin langpala ang kanyang ate nang patalikod.

Bunsod ng paglabas ng pangalan ni Nadia sa isyung ito,naglabas ng pahayag ang dating aktres sa pamamagitan ng text message sa entertainment columnist na si Ogie Diaz.

Sa Umagang Kay Ganda kahapon, February 20, binasa ng segment host na si Ogie ang mga mensaheng natanggap niya mula kay Nadia. Ang nasabing mensahe ay lumabas din sa kanyang column ngayon,February 21, sa People's Journal.

Ito ang nilalaman ng mga mensahe: "Og, mapapahiya lahat 'pag nagsalita ako. Puro depensa ginawa kofor Gretchen ever since the John Estrada issue, dahil kaibigan ko siya.



"'Di ko akalaing kaya niya akong baligtarin at gamitin dahil lang sa ipinu-promotena CD niya.



"Sabagay, kung pamilya nga niya, kaya niyang saktan, ako pa kaya? 'Wag munaakong i-judge dahil kahit pa'no, you know me when it comes to myfriends."

Nang tanungin ni Ogie kung siya nga ba ang nagkakalat ng mgabali-balita tungkol sa relasyon nina Gretchen at kinakasamang si TonyboyCojuangco, ito ang naging sagot ni Nadia: "Hindi ko gagawin 'yon, Og. All I didwas defend them. Sirang-sira ako kay Tonyboy dahil nalaman ko na lahat kung anoang mga alibi niya.



"Puro ‘I'm going out with Nadia,' ‘Nadia's picking me up,' ‘I'm at Nadia'shouse,' etc., etc. Ako pala ang ginagamit niya all this time. And poor Claudine, naniwala siya sa kapatid niya kahit wala siyang alam.Magugulat kayo sa alam ko.



"It's time to defend myself 'coz if there's one thing I'm good at, it's being aloyal friend. Hindi ko kayang tapatan ang pera nila, but the truth will set mefree. Masakit na umabot sa ganito, Og. I kept quiet coz of Dody [Puno]. But now, I have totell the truth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Grabe na pala ang mga write-up sa akin. No newspapers allowed kasi rito sabahay, kaya wala akong alam na ganito na pala kalaki't kasama ang mga ginawanila sa akin.



"Naku, Og, masakit itong gagawin ko, but I have to defend myself. Yun ngang'pag tama ako, ang tapang ko, ngayon pa kayang hawak ko ang katotohanan?



"Puro front lang nakikita n'yo kay Gretchen. Diamonds, Jaguar, beautiful face,sexy, milyonarya, pero ang itim ng puso. Grade 4 pa lang kami, puro pagpapasensiya na ang ginagawa ko riyan. Milyonaryorin ako, pero ang pagkakaiba namin, milyon ang friends ko, siya, milyon angkaaway.



"My name is all I have. Kahit mga anak ko minsan, napapabayaan ko na para samga kaibigan ko at gusto kong patunayan sa lahat na hindi ako ganung klase.



"Og, hindi ako showbiz, I'm very down to earth despite what I have in life.Hindi importante ang pera, kaseksihan, mansiyon, etc. Importante sa akin, wala akong kagalit at so far, successful ako run till nowwhat Gretchen is doing to me.



"You have to know her as well as I do para maintindihan mo ang utak ni Gretch.Siya lang ang taong kilala ko na natutuwa pa 'pag may mga iskandalo sa kanya. Irarason lang niya na Tony believes whatever she says at dumarami rawendorsements niya kahit daw pangit ang mga lumalabas sa kanya.



"Gretchen knows na totoo lahat ng lumalabas na balita about her. And siguro,since may CD siya, strategy niya ang kunwari may sumisira lang sa kanya. Plano niya lahat ito. She doesn't care kung may masaktan as long as nasa newssiya. Hindi nagpapatalo 'yan, kaya kahit ano, gagawin. Kahit sino, gagamitin. Iknow her so well. Suwerte lang talaga siya at may Tony na nagmamahal sa kanya!"



Pero sa bandang huli, umaasa si Nadia na matatapos din ang gulong ito. Aniya, "Og, hindi ako naghahanap ng kakampi,dahil ang dapat, magkakampi ang magkakaibigan. Tama ka, darating din ang arawna maaayos ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabay na ipinakilala sina Nadia at Gretchen sa pelikulang 14, Going Steady ng Regal Films noong 1984.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN