Marian Rivera still quiet about her next project after "Marimar"

Marian Rivera is still not disclosing to the publicher next project after Marimar. She just said, "Kung nagustuhan nila si Marimar, masmagugustuhan nila yung susunod dahil pambata nga yung gagawin ko."


Sa kabila ng mas lumalakas na balitang Dyesebel angsusunod na project ni Marian Rivera, patuloy pa rin ang pananahimik ng young actress tungkol dito.

Sa launching ng bagong produktong iniendorso ni Marian, angSunsilk shampoo, kahapon, February 20, sa Edsa Shari-La Hotel, MandaluyongCity, muling kinulit ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at GMA News ang Marimarlead star sa kanyang next project.

Ayon kay Marian, "Sinisigurado ko sa kanila na yung susunodkong soap [opera], mas magugustuhan nila. Kung nagustuhan nila si Marimar, mas magugustuhan nila yung susunoddahil pambata nga yung gagawin ko."

Sinundan naman ito ng GMA News ng tanong na, "Magkakaroon ka ba ngbuntot?"

Napasigaw si Marian at natatawang sinagot, "Basta abangan nalang nila! Basta gagawin ko 'to para sakanila dahil alam ko na sobra-sobrang suporta ang ibinibigay nila saMarimar. Ngayon, hindi ko kayobibiguin. Dito sa next project, masmagiging maligaya kayo, lalo na yung mga bata."

Tinanong naman ng PEP, "May swimming ba sa susunod naproject?"

Muling natawa ang aktres at sinabing, "Basta abangan nila.Excited ako kasi yung Marimar iba, e. Itong binigay sa akin ng GMA-7 na next project ko, sobrang challengingpara sa akin at napakahirap niya kaya natsa-challenge akong gawin yun."

At dahil ayaw talagang ibigay ni Marian ang kanyang nextproject tinanong na lamang siya kung marunong ba siyang lumangoy. Matipid na sagot ni Marian: "Oo, marunong."

Nasabi rin ni Marian na kilala na niya ang kanyang magigingka-partner sa susunod na project ngunit tumanggi siyang pangalanan ito. Aniya, "Meron na pero kilala ko nasiya. Abangan nila yun and I'm sure kikiliginulit sila."

Nabanggit din namin, na pabor din si Charlene Gonzalez, isasa mga gumanap bilang Dyesebel sa pelikula, kung sakaling si Marian nga angmagiging Dyesebel sa TV adaptation nito. Muli, matipid ang naging sagot ni Marian, "Thank you. If ever na ako nga,ha?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN