Jodi Sta. Maria is not bothered by reviews saying she acts better than Kris Aquino

Feb 22, 2008
"Hindi ko naman siguro kailangang mailang kay Kris," answered Jodi Sta. Maria when asked what she felt about reviews saying her performance in Patayin sa Sindak si Barbara was better than lead star Kris Aquino's acting.

Nadatnan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jodi Sta. Maria na nasa masayang mood sa taping ng Palos noong Miyerkules ng gabi, February 20, sa isang warehouse sa Sandoval Street, Pasig City. Maganda raw kasi ang takbo ng buhay ng aktres sa panahong ito.

"Nagsimula kasi ‘yan last year pa, sa Calla Lily, then, nasundan ng Walang Kapalit, Patayin sa Sindak si Barbara, at ito ngang Palos. Sa Kung Fu Kids nga, meron din akong role, kaya napapanood ako nang madalas lately," banggit ni Jodi.

COMPARED WITH KRIS. Sa katatapos na Patayin sa Sindak si Barbara, some reviews favored Jodi's performance over Kris's portrayal. Ano ang nararamdaman ni Jodi tungkol dito?

"Hindi ko naman siguro kailangang mailang kay Kris," sagot niya. "Teamwork ang nangyari sa Barbara, and Kris did a very good job. Let's face it, mas pinanood naman ang Barbara dahil kay Kris, dahil siya ang bida doon, and we just supported her.

Continue reading below ↓

"Huwag sana kaming intrigahin ni Kris, kasi even during the time na nagte-taping pa kami, naging very close kami. Lagi kaming nag-uusap. Ka-text ko siya palagi, and she even sends me nice messages up to now.

"Walang magkakainteres nang ganoon sa Barbara kung wala doon si Kris. We must admit the fact na kapag Kris Aquino sa isang horror na palabas, click sa mga tao. Hindi dapat intrigahin," sabi ni Jodi.


Sa mga ganitong pagkakataon, habang nariyan ang opportunities, nagtatrabaho lang daw talaga nang matino si Jodi. Hindi niya raw kailangang magpakakontrobersyal.

"Very nice si Kris. Sobra!" bulalas ni Jodi. "Parang sister nga siya sa akin. Dumadalaw siya sa place ko, ako rin sa place niya, and we talk a lot.

"Ang dami kong natututunan kay Kris, kaya gusto ko siyang laging kausap. We talk about almost everything. Food, family...very wide ang knowledge niya, kaya may naise-share talaga siya."

MARITAL TROUBLES? Nagpapaka-active daw si Jodi sa showbiz dahil sinasabing hindi raw kagandahan ang takbo ng married life nila ni Pampi Lacson, anak ng senador na si Panfilo Lacson.

Continue reading below ↓

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit hindi mamatay-matay ‘yang isyung ‘yan na hindi naman totoo," natatawa na lang si Jodi. "Kasi, noon pa ‘yan kumakalat. Pero, hanggang ngayon, heto ako at happily married. Recently, na-interview ako ni Ricky Lo, my gosh, yun din ang tinanong sa akin.

"Just like any other couple, hindi palaging smooth ang relasyon namin ni Pampi. Pero hindi naman to the point na nag-aaway na kami at hindi nagkakasundo. Normal sa relationship ang tampuhan, lalo na sa mag-asawa. Pero kami ni Pampi, hindi naman kami umaabot sa point na talagang nag-aaway na. There's no truth to such rumors," paglilinaw ni Jodi.

AWARD INTRIGUE. Mahusay na artista si Jodi, kaya isa kami sa na-shock nang makaladkad ang pangalan niya sa dayaan sa isang award-giving body, na kesyo may naglakad daw para sa sana'y award for her, na napunta kay Sunshine Dizon.

"Sa totoo lang, matagal nang isyu 'yan, at ayoko nang pag-usapan dahil walang magagawang tulong ‘yan sa pagkatao ko," medyo mariing sabi ni Jodi.

Continue reading below ↓

Patuloy niya, "Hindi ako puwedeng maapektuhan, kasi malinis naman ang konsensiya ko, at never akong makikipag-usap o magbabayad para lang magka-award ako. Tama na sa akin yung nomination sa Walang Kapalit, at ginawa ko rin kasi ang lahat ng makakaya ko para mapaganda ang performance ko roon."

Naging policy na ni Jodi sa trabaho ang galingan at gandahan ang bawat pagkakataong ibinibigay sa kanya.

"With or without the recognition, basta sa pakiramdam ko, naibigay ko ang magagawa ko, happy ako. Bonus na lang yung napupuri ako, o nominations.

"Sa totoo lang, ‘yung isyung ‘yan, maaapektuhan lang ako kung mayroon akong ginawang masama. Wala nga akong ginagawa, ‘tapos may ganyan. Kung anuman ang opinyon ng iba, wala na akong magagawa pa doon," nasabi na lang niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko naman siguro kailangang mailang kay Kris," answered Jodi Sta. Maria when asked what she felt about reviews saying her performance in Patayin sa Sindak si Barbara was better than lead star Kris Aquino's acting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results