Gretchen Barretto: "Why me, Nadia? Why me?"; Nadia Montenegro: "Show me your evidence."

Gretchen Barretto (right) says she knew why Nadia Montenegro (left) has illfeelings towards her through their common friend Rufa Mae Quinto.


Hindi pa rin natutuldukan ang alitan sa pagitan ng magkaibigan na sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro.

Naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 21, na ang pagkikita nina Nadia at Gretchen sa Hotel Rembrandtay hindi nauwi sa pag-aayos ng dalawa.

Kinumpirma naman ito nina CristyFermin at Jobert Sucaldito sa kanilang radio program na Showbiz Mismo natelevised sa dzMM Teleradyo. Si Cristyang namuno ng batian sana nina Gretchen at Nadia. Si Cristy ang sinasabing nag-ayos ng pagkikita ng dalawa sa Hotel Rembrandt noong Miyerkules ng gabi, Pebrero 20.

Ayon kay Jobert, initially ay hindi naman kasama sa plano siNadia. "Pero mas maganda raw, sabi ni Gretchen, kung nandoon [si Nadia]," aniCristy.

Bukod sa dalawang aktres, naroroon din sina former CaloocanMayor Boy Asistio, ang kinakasama ni Nadia; Tanya Montenegro, ang ate ni Nadia;Dody Puno, ang napapabalitang nakarelasyon ni Gretchen; at ang anak ni Dodi nasi Raffy.

Bago pa man ang planong pag-uusap, ayon kay Cristy,tinutunton na diumano ni Gretchen kung sino ang nagkakalat ng mga balitatungkol sa kanila ng kanyang partner na si Tonyboy Cojuanco.

Kuwento ni Cristy, "Kasi tinutunton nila kahapon atkinukumpirma na nga ni Gretchen kung sino talaga ang nagpapaikot ng balita nasiya ay pinalayas ni Tonyboy Cojuanco sa kanilang bahay na wala siyang nadalana kahit anong gamit niya. Atnakumpirma na rin nila kung sino ang nagkukuwento na mayroong relasyon siGretchen at Mr. Dody Puno."

At sa mismong pagkikita, nagkausap pa diumano sina Gretchenat Boy Asistio bago pa man magkaharap ang una at si Nadia. Dito diumano nag-open si Gretchen ngkanyang nararamdaman sa kanyang kaibigang si Nadia.

Lahad ni Cristy, "Naalala mo [Jobert] yung magkatabi kayoni ex-Mayor Asistio, nandito naman si Mr. Dody, 'tapos si Raffy at saka siGretchen? Yung dumukwang si Gretchen naganun, kinuha yung kaliwang kamay ni Tito Boy? Cinematic yun para sa akin. Napakamarespeto ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kinuha po niya, mga kaibigan, ilalarawan na lang po namin...Kinuha po ni Gretchen yung kaliwang kamay ni Tito Boy na kaliwa din po niyangkamay. 'Tapos hinawakan po niya nangmahigpit."

Matapos nito ay nagsalita si Gretchen at ikinuwento angkanyang mga narinig tungkol sa totoong saloobin diumano ni Nadia sa kanya.

Patuloy ni Cristy, "Sabi niya [Gretchen], ‘Mayor,kaya ko rin pong tapatan ng masasakit na salita at accusations ang ginawa saakin ni Nadia kaninang umaga sa mga text messages niya kay Ogie na tinawag niyaakong ‘may pusong itim.' Mayor, iniisipko lang po kayo, nirerespeto ko lang po kayo at ang mga anak ninyo na inaanakko pa.'

"‘Mayor, ang sabi po niya kay Rufa Mae Quinto, kay P-chi,ang dahilan daw po ng galit niya sa akin ay kung bakit ko kayo mapalayas sabahay ninyo. Kung natatandaan n'yo po,hindi pa kami magkakilala ni Tonyboy noong isanla ninyo ang bahay na iyan. Pero nang dumating ang pagkakataon nakailangan kayong paalisin, ginawa ko po ang lahat para ma-extend pa, magkaroonng grace period yung pag-stay ninyo sa bahay.'

"Sabi niya [Gretchen], ‘Apat na taon ho kayong tumiradoon. Ngayon nung dumating na po yungpang-apat na taon at kailangan nang kunin ng bangko yung bahay, I can only doso much.' Sabi niya [Gretchen], ‘Kayo po ang nagpabaya, hindi po ako. Ang kailangan 90 million [pesos]. Where do I get the 90 million? Wala namanakong pera.'

"‘Ngayon, despite that tumawag pa po ako kay Nadia the nightbefore yung sheriff.' ‘Girl, kuninninyo ang lahat ng kailangan ninyong gamit para kapag dumating na ang sheriff, nailabas n'yo na para kapag dumating na ang sheriff, kahit kutsara at tinidor, hindi n'yo na mailalabas pa.' Mayor,masama pa ba ako? Mayor, sagutin moako. Do I deseve this?'"

Habang nangyayari ang pag-uusap sa pagitan nina Gretchen atex-Mayor Asisitio, kinakausap naman diumano ni Cristy si Nadia sa ibangkuwarto. At pagkatapos ay sumunod nadoon sina Gretchen at Dody Puno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga sumunod na kuwento ni Cristy, inilahad niya kung paanonagsimula ang diumano'y kumprontasyon sa pagitan nina Gretchen at Nadia.

"'Tapos nang umakyatna sila, medyo nagkaroon ng gulo. Nagkaroon ng gulo ito, hindi ito yung kasing kinis ng ating inaasahan napagbabati dahil, ayon sa ating impormante, ay hindi naging maganda ang pag-uusapnila dahil sa tanong ni Gretchen na, ‘Why me, Nadia? Why me?' Ang sagot daw agad ni Nadia ay, ‘Show meyour evidence.'

"So, doon na nagsimula. Ang dami nang naungkat, may naghi-hysterical na, may nag-iiyak na. So, sa madaling salita, hindi pa rinnatutuldukan ang kontrobersiya sa pagitan nila pero ang mahalaga nasimulan."

Sa ngayon, wala pa ring balita kung ano na ang mgasumunod na pangyayari matapos ang pagkikitang ito.

Subalit nakausap diumano ni Cristy si Boy Asistio ukol dito.

Ayon sa dating mayor ng Caloocan, "Blangkong-blangko ako sa lahat ng mgapangyayaring ito. Pero iwan ninyo saakin, kakausapin ko si Nadia. At kungkinakailangan na mag-issue siya ng public apology pag-uusapan namin. Pero hindi ko siya puwedeng pangunahan namag-issue siya ngayon na hindi ko pa alam ang kanyang kuwento."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN