Kristine Hermosa: "Kailangan kong mabuo para makapagmahal muli."

"Kailangan ko lang ng time to heal. Lahat naman tayo dumadaan sa ganun.Hindi pa rin ako makapagsalita kung sino talaga yung taong bubuo saakin. But for sure, hindi siya tao, hindi ibang tao ang gagawa nun—akolang at si Papa Jesus," states Kristine Hermosa about fallin in love again.



Pagkatapos maibaba ang desisyon ng korte tungkol sa nullification case ng kasal nina Kristine Hermosa at Diether Ocampo, naging karaniwan nang eksena sa mga gatherings at ibang lakaran ang makita na magkasama sina Kristine at Oyo Sotto.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Oyo noon ay sinabi nitong handa siyang maghintay kay Kristine. "Unconditional love" ang nararamdaman niya para sa aktres, sabi niya.

Sa interview naman ng PEP last Sunday, February 17, kay Diether ay nakapagbitaw ito ng mensahe na wala raw isang salita si Oyo kung ang pagbabasehan ay ang mga sinabi nito noon na magkaibigan lang sila ni Kristine at wala siyang intensyong ligawan ito.



Sa kabila nito, parehong nagpahayag sina Diether at Oyo na open silang makipag-usap sa isa't isa. Pero mukhang wala sa kanila dalawa ang may gustong gumawa ng first move.



KRISTINE SPEAKS UP. Kagabi, February 21, ay nakausap naman ng PEP si Kristine sa huling presscon ng My Big Love, ang pelikulang tinatampukan ng aktres kasama sina Sam Milby at Toni Gonzaga. Ipalalabas ito sa February 27.

Nilinaw ni Kristine na walang espesyal na relasyong namamagitan sa kanila ni Oyo, bukod sa pagiging isang mabuting kaibigan, samantalang todo-effort naman si Diet sa panunuyo sa kanya.

Nagpahayag din ang aktres na naiintindihan niya kung anuman ang nararamdaman nina Oyo at Diether para sa kanya.



Ani Kristine, "Hindi ko kinukuwestiyon kung ano ang nararamdaman ni Diet, kasi lahat tayo ay tao at lahat tayo may karapatang maramdaman kung ano ang nararamdaman natin. Para sa akin, ‘pag emotions na ang nagsalita, ‘pag emotions na ang umiral, di mo na rin makokontrol ‘yan. You can only say the truth.

"Siguro ganun din sa part ni Oyo," patuloy ng magandang aktres. "Kumbaga, wala akong pinapanigan sa kanilang dalawa. Kahit na nga yung sinabi before ni Oyo is kinda contradicting. Feelings na ‘yan, so di mo na ‘yan makukuwestiyon pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang masasabi ni Kristine sa naging pahayag nina Diether at Oyo na payag silang mag-usap para matuldukan ang gulo na maaaring magsimula dahil sa nararamdaman nila para sa kanya?



"Alam mo, sila lang ang nakakaalam kung may dapat silang pag-usapan," sagot niya. "Sila lang talaga. Ayokong panghimasukan yung ganyang issues ng mga lalake, kasi mas nagkakaintindihan ‘pag lalake sa lalake.

"Kung mayroon man sila, sa tingin nila na dapat pag-usapan, then it would be better na talagang mag-usap silang dalawa. Ayoko ng gulo, alam nila pareho ‘yon."



DIETHER OCAMPO. Aminado si Kristine na todo-todo ang effort na ginagawa ngayon ni Diether para manumbalik ang dati nilang relasyon. May pag-asa nga bang magkabalikan silang dalawa ng aktor?



"Nag-e-effort nang todo si Diet at sobrang naa-appreciate ko ‘yon. Pero alam din niya kung gaano din ako nasaktan. Sinasabi ko rin naman sa kanya na that I need time, mas gusto ko kasi na yung foundation namin ni Diet, yung friendship namin, mas mag-blossom pa.



"Pupuwede naman na siya, but kailangan ko lang ng time to heal. Lahat naman tayo dumadaan sa ganun. Hindi pa rin ako makapagsalita kung sino talaga yung taong bubuo sa akin. But for sure, hindi siya tao, hindi ibang tao ang gagawa nun—ako lang at si Papa Jesus.

"So, kailangan ko munang asikasuhin ang sarili ko. Kailangan ko munang gamutin ang sarili ko. Kailangan kong mabuo para makapagmahal muli," matalinhagang pahayag ni Kristine.

OYO SOTTO. Nilinaw rin ni Krsitine na best of friends lang ang relasyong namamagitan sa kanila ni Oyo. Alam daw mismo ng young actor na wala itong maaasahan kay Kristine sa ngayon.



"Hindi siya nanliligaw sa akin," giit ni Kristine. "I'm sure hindi niya binabalak manligaw kasi alam niya kung saan ang kahahantungan niya bago pa siya manligaw. Wala siyang maaasahan ngayon kasi hindi pa ako ready. Ayoko munang pumasok sa isang panibagong relationship na hindi ko pa naayos ang sarili ko, na hindi pa ako ready kasi magiging unfair dun sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi pa buo ang loob ko. Hanggang hindi pa siya nabubuo, alam kong laging may kulang pa. ‘Pag nagmahal kasi ako, all out. So once na alam ko na hindi pa ako buo, hindi ko yun maibibigay [love]."



Dagdag ng aktres, "Kaibigan ko si Oyo. More than anything else, kung anuman ang nararamdaman niya sa akin—na hindi naman siya ganun ka-vocal dahil alam niya na hindi pa ako ready-—alam niya na hindi pa ako handa at ayokong makarinig pa ng ganung mga bagay."

DINA & DANICA. May mga naglabasang balita na sinabi raw ng ina ni Oyo, si Dina Bonnevie, na may pag-aalala siya sa maaaring kapuntahan ng anak kapag naugnay ito sa isang may-asawa tulad ni Kristine. Nakapagtanong pa raw ang aktres na ‘di ba't ikinasal na si Kristine kung kaya't bakit nali-link pa ito kay Oyo.

Balita rin na hindi raw boto ang nakatatandang kapatid ni Oyo na si Danica Sotto kay Kristine. Ano ang reaksiyon dito ni Kristine?



"May sariling opinion si Ms. D," mahinahon niyang tugon. "Kumbaga, sino ba namang nanay... O kahit ako maging ina, ayoko naman na nali-link ang anak ko o magkaroon ng someone ang anak ko na nababalitang may-asawa na. I understand kung ganun ang reaction niya.

"Kay Ms. D, huwag po kayong mag-alala dahil mabuti po kaming magkaibigan ni Oyo. Nothing to worry about kasi ayoko din pong nasasaktan ang anak ninyo," mensahe ni Kristine para sa ina ni Oyo.



"Regarding Danica," patuloy niya, "nag-uusap kami. But siyempre, hindi ko alam ang part na ‘yan kasi hindi ko naman naririnig talaga. Pero ‘pag nandun naman ako sa harapan nila, lahat naman sila okay sa akin. So mas naniniwala ako sa kung ano ang nakikita kesa sa naririnig ko lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN