Jomari Yllana and Pops Fernandez still going strong despite naysayers

"I must admit, marami ang nagsasabi talagang hindi kami magtatagal. Pero so far, okay naman kami," says Jomari Yllana about his relationship with Pops Fernandez.


Lately, sa tuwing nasasalubong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jomari Yllana, lagi siya masaya. Larawan ng isang taong kuntento sa kanyang lovelife ang aktor.



"Hindi lang sa lovelife, but as a whole," sabi pa ni Jomari. "Okay lang kasi ako ng ganito, may regular show ako, itong Palos, at hindi ako nawawalan. After Lastikman, heto at may pinagkakaabalahan ako."



POLITICS. Isang bagay na hindi niya pinagsisisihan ay ang pag-backout niya sa nakaraang eleksiyon. Kakandidato sana bilang konsehal sa ParaƱaque si Jomari sa tiket ng kapatid na si Anjo Yllana, na bigo para sa posisyon ng pagka-Vice Mayor, pero nag-decide si Jom na huwag ngang magpatuloy.



"Ang naiisip ko lang na parang setback ng ginawa ko, si Anjo ang naapektuhan. Kasi kapatid niya ako at ang pag-backout ko, nangangahulugan 'yon ng kahinaaan. Hindi naman puwede ang ganoon sa pulitika. Laban kung laban dapat," pahayag ni Jomari.



Kaya lang nga, mas tahimik ang buhay ni Jomari nang walang halong pulitika.



"Hindi ko pinagsisisihan dahil karamihan sa mga artistang tumakbo noong nakaraang eleksyon ay natalo. At least, hindi na ako sumama sa kanila.



"Hindi ko isine-set aside ang politics," paglilinaw ng aktor. "May posibilidad na pasukin ko talaga 'yan, pero I let the people support me. Magpapakita ako ng lakas kung alam kong malakas ang suporta ko. Yung mga tao na ang gagawa ng paraan para pasukin ko talaga ito, hindi lang yung sa sarili ko lang."



WEDDING WITH POPS? Pero siyempre, ang usap-usapan ngayon ay ang sinasabing pagpapakasal daw nila ni Pops Fernandez sa August 8, 2008, na babagsak sa 08-08-08. Ayon sa mapamahiin, masuwerte talaga ang petsang ito.



"Sa totoo lang, hindi nga naming pinag-uusapan ni Pipay [Pops] ang tungkol sa kasal," sabi ni Jomari. "Kasi parang malabo pa ang set-up kahit naman magplano pa kami. Okay kami na ganito lang muna, nag-e-enjoy sa aming samahan. Walang problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Mukhang nagtatagal sila ni Pops, despite speculations na baka hindi nga magtagal ang kanilang relasyon.



"Hindi namin iniintindi yung mga sinasabi nila, kasi labas sila sa relasyon namin. Kami ang nakakaintindi sa isa't isa," sambit ni Jomari.



"Palagay ko, so far, maganda ang takbo ng relasyon namin ni Pipay dahil halos pareho kami ng pinagdaanan. Ayaw naming maka-commit ng same mistakes. Nag-uusap kami tungkol sa mga bagay na 'yan, at nagsusuportahan kami, to really get over those things na hindi maganda sa pinagdaanan namin. But I must admit, marami ang nagsasabi talagang hindi kami magtatagal. Pero so far, okay naman kami," lahad niya.

Ang maganda pa rito, even Jomari's ex-wife, si Aiko Melendez, ay boto kay Pops para sa kanya.



"I don't know about these girls, you know," nakangiting sabi ni Jomari. "It must be a girl thing. Pero malaki talaga ang ipinagbago ni Aiko. Hindi na kami nag-aaway. Lagi kaming nagkakausap nang matino.



"Siyempre, natuto na rin siya sa mga pinagdaanan din niya. At masaya ako, kasi friends kami. Na-realize din niya na ang lahat ng gusto ko para sa anak [Andrei] namin ay para rin lang sa kabutihan ng lahat. Nag-mature na nang husto si Aiko. Pero hindi ko talaga matanong si Aiko kung bakit gusto niya si Pipay," natatawang dugtong pa ng aktor.



Sa opening ng Club Mafia some weeks ago, nagtagpu-tagpo nga sina nina Pops, Aiko at ang rumored boyfriend nitong si Patrick Meneses, vice mayor ng Bulacan.



"Natutuwa ako kay Aiko, kasi may bago na rin siyang love. Pero yun na lang ang puwede kong sabihin doon. I just have to wish her the best," maingat na sabi ni Jomari.



Ang balita, wala na rin daw sina Martin Nievera at Katrina Ojeda kaya may mga kumakalat na balitang posibleng magkabalikan sina Pops at Martin. Paano na si Jomari kapag nagkataon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Secure ako pagdating sa bagay na 'yan," sagot ni Jom. "Alam ko kung saan ako nakatayo. Masaya na ako na nagkakasundo sila [Martin at Pops], para na rin lang sa mga anak nila. Magkakaibigan naman kami kaya walang problema, pero wala akong feeling na threat pa sa akin si Martin.



"Pero siyempre, may pinagsamahan sila ni Pipay. Ang sa akin lang, para sa mga anak nila, I have to be happy for them," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN