Irish Fullerton knows culprit behind Jay-R Siaboc's "attempted suicide" rumor


Pinoy Dream Academy
'sIrish Fullerton shows concern for Jay-R Siaboc and tellsthe rumormonger to shut up. "Tama na. Wala naakong ginagawa. Wala naman akong ginawa sa ‘yo. Pati si Jay-R, naaawa rin akosa kanya dahil wala na siyang ginawa kundi magtrabaho nang magtrabaho. Dugo,pawis, at pagod, para sa pamilya niya."


Naluluhang pinabulaanan ni Irish Fullerton angkontroberysang lumabas na siya ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ng nababalitang karelasyonniya at dating kasamahan sa Pinoy Dream Academy na si Jay-R Siaboc.

Nagpahayag ng matinding kalungkutan si Irish habangbinibigay ang kanyang paliwanag tungkol sa isyu noong hindi sinasadyangmatiyempuhan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ABS-CBN lastWednesday, February 20.

"Shocking," reaksyon niya sa isyu. "Dahil hindi totoo.Baka maiyak pa ako ngayon kapag kinuwento ko," pagpipigil niya sa sarili.

"Ang daming binabato sa akin," patuloy niya. "Habang nanditoako, ang dami nang lumalabas na puro masasama. Hinuhusgahan tuloy ako ng mgatao based on what's written. ‘Tsaka ako naman, usually, para hindi na lumakiang gulo..." hindi na napigilan ni Irish na maluha nang sandaling iyon.


"Hindi ko na siya pinatulan para hindi na lumaki. Na parang one day, people arereally gonna realize kung sino ako talaga. I mean, nakikita n'yo naman ako,talagang hindi ako nagbabago.

"Very frank akongtao, very blunt. I've never really hidden anything. Kitang-kita naman saPinoy Dream Academy pa lang... So, why all the issue?" may sama pa ng loobna tanong ni Irish sa amin.

Hindi naman daw nagagalit si Irish na siya ang itinuturongdahilan ng attempted suicide umano ni Jay-R.

"Hindi ako galit. Mas nasasaktan lang ako. Nasasaktan, kasihindi totoo," ang nasambit ng dalaga.

Nakarating na rin daw sa parents niya na nasa U.S. ang mgamalisyosong balita sa kanya rito. Naospital daw tuloy ng dalawang araw ang mamaniya roon.

"Pati sila, apektado. Dahil sa mga balita sa akin dito,"gumagaralgal pa dahil sa pagluhang banggit ni Irish sa amin.



IRISH KNOWS. Kilala ni Irishkung sino ang naninira sa kanya, pero ayaw niyang magbigay ng detalye kung sino ang taong ito.



"Ayokong sabihin kung sino. Pabayaan na natin. Ako, I'm not after revenge. I'mafter the truth.Gusto ko lang talagang malaman ng tao kung sino ako. Na hindi ako yungmataray. Hindi ako yung desperadong tao. That's not me and it's so hardto show that on a daily basis," ang wika ng PDA alumna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit niya tuloy na ganito rin ang nangyari sa kanyalast year, lalo na pagkatapos ng PDA. Marami raw talagang naninira sakanya.

"As in nakakahiya, na. ‘Pag lalabas ako, feeling ko angtingin ng tao sa akin, masamang-masama," ang sabi niya.

Dagdag pa ni Irish, "Ako po, napaka-down-to-earth. Ang number one sa akin,respeto. Kung nirerespeto mo ako, rerespetuhin din kita to the fullest. Alam korin naman where to draw the line. Alam ko ring magpakumbaba. Kaya ko yun. Alamko yun, e. Pero kapag minamaliit na ang pagkatao..." naputol ng pagbuhos ngemosyon ni Irish ang sinasabi niya. "Parang sa lahat ng nangyari, puwedeng tama na?

"Alam ko kung sino ka," patama ni Irish sa naninira sakanya. "Tama na. Wala na akong ginagawa. Wala naman akong ginawa sa ‘yo. Patisi Jay-R, naaawa rin ako sa kanya dahil wala na siyang ginawa kundi magtrabahonang magtrabaho. Dugo, pawis, at pagod, para sa pamilya niya."

THE REAL DEAL. Napansin naming ang sobrang concern niIrish for Jay-R, wala ba talagang namamagitang espesyal na relasyon sa kanila?

"Close lang kami na friends and wala talaga."

Kahit na mutual understanding o M.U.?



"Hindi, hindi ko rin masabi na ganun kami," patuloy na tanggi pa ni Irish.

Kung ganun, ano naman ang isyung madalas daw siyang makitasa condo unit ng singer-actor. Ang kakabit na intriga pa dahil dito, nagli-livein daw sila ni Jay-R.

"Hindi po. May schedule din ako. ‘Tsaka paano ako pupuntaroon kung siya rin wala roon, ‘di ba? Lagi siyang nasa taping. Matagal nang isyu ‘yan, pabalik-balik lang. Nakakaasarna! Akala nga namin tapos na yun, e," inis na patuloy ni Irish.

"Alam namannamin na hindi totoo, and then, biglang babalik na naman siya. Paulit-ulit! So, we got to the point na mamanhid ka na rin.Ganun yung mga sinasabi ng ibang artista sa akin na, ‘You'll get used toit. You'll learn to shut it out.' Pero when it gets too much na, na angdami ko na kasing kinimkim, ang sakit na, e. Sobra!" pagalit na sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano ba talaga sila ka-close ni Jay-R?

"Si Jay-R kasi, you see him as happy-go-lucky, and ako namanthe emotional one. Sa kanya lang kasi ako nakapaglalabas ng problema. Kasi Ihave no one here. Wala akong pamilya dito. It's not that I can't find otherfriends. Well, I never had a base of friends before showbiz.Mahirap, especially yung mga schedules, iba."

Siya raw ang may hawak ng ATM card ni Jay-R kayanababalitang siya ang ginagastusan ng singer-actor kesa ang pamilya nitong nasaprobinsiya na mas nangangailangan ng tulong.


"Wala yun. Tulong lang ‘yon sa isang kaibigan. Si Jay-R mismo ang humingi ngtulong sa akin na i-withdraw ko siya ng pera. Hindi niya magawa dahil sobrangbusy niya sa kanyang shows. E, kailangan na ng mga kamag-anak niya ng pera.Kaya ako ang pinakiusapan niya to send some money," paliwanag ni Irish.

THE COUSIN. Itinuturo ang pinsan daw ng actor-singerna siyang source ng balitang attempted suicide ni Jay-R.

"Iniisip ko rin kung yung pinsan nga niya ang nagsabi nunpero, hello! Ilang buwan nang wala rito ang pinsan niya. Matagal na siyangpinauwi sa Cebu!" paglilinaw ni Irish.



THE "BOYFRIEND." Totoo ba na may boyfriend siya sa U.S.?



"Wala akong boyfriend. Ang tagal ko nang walang boyfriend. Ang last boyfriendko, 21 pa ako. E, ilang taon na ‘yon?"



What about the picture na nakitang kasama niya ang diumano'y boyfriend niya?

"Ipakita ninyo sa akin at sasabihin kosa inyo kung sino siya."

THE CULPRIT. Bakit hindi niya i-confrontang diumano'y naninira sa kanya since sabi niya kilala naman niya ang taong ‘yon?



"Ahh, I had before...yun lang. Pero yun nga, hindi naman confront. Ang dami konang dinig-dinig. Pero nag-usap lang kami. Ang sa akin lang, wala akong ginagawang masama. Kung yun ang gusto niya, kunggusto niya akong sirain, masaya siya roon and so be it. Buhay niya yun. Pero matakot ka naman sa Diyos. Kasi ako takot na takot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Before kami maghiwalay, hiningan namin ng mensahe si Irishpara sa naninira sa kanya.

"Ako, alam ko kung sino ka. Puwede kong ilabas pero hindiko ginagawa, e. Kaya pabayaan mo na ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN