Koolchix member Gemma Fitzgerald admits breakup with AJ Dee

AJ Dee and Gemma Fitzgerald during the Star Magic Ball held at the Grand Ballroom of Hotel Intercontinental in Makati City, last August 5, 2007.


Malungkot na isiniwalat ni Gemma Fitzgerald sa launchingng all-female group ng ABS-CBN Star Magic na Koolchix na break na sila ngboyfriend niya na si AJ Dee.

Isa si Gemma sa members ng Koolchix, kasama sina Cassandra Ponti (Pinoy Big Brother Season 1 housemate), PrincessRyan (Alwyn Uytingco’s girlfriend), Nina Dolino (na na-link dati kay ArchieAlemania), Malaya Lewandowski (ang nobya ni Rafael Rossel) at Michelle Murenee(girlfriend naman ni Janus del Prado).

Conflict of schedule ang ibinigay na dahilan ni Gemma kung bakitnauwi sa hiwalayan ang almost one year nilang relasyon ni AJ. Nagsimula ang relasyonnina AJ at Gemma noong February 15, 2007.

“He’s very busy with many things, and I can’t blame him. Kaya lang‘pag siya naman ang walang schedule sa work, I’m doing something naman forKoolchix,” panimula ni Gemma.

Si AJ daw mismo ang nakipag-break kaya lalong masakit para sadamdamin ng budding star na half-British and half-Australian.

“We just broke up this month, before Valentine’s day. But hesent me flowers during Valentine’s Day,” ang kuwento ni Gemma.

Nagkapalitan daw sila ng masasakit na salita noong huli nilangpag-uusap, kaya nagdesisyon na maghiwalay na lang. Aniya, “When you’re angry, there are things that come out na youdon’t want to say. It’s but natural. But I still love him, although it’snot the same intensity as it used to be. Na-lessen na.”

At kahit pa nanunuyo muli ang kanyang ex-boyfriend, hindi masabi niGemma kung may pag-asa pang magkabalikan sila.

“Recently, he texts me everyday. He sends me letters. He’s doingeverything for us to be together again. All of a sudden he finds time to all ofthese,” ang nakangiting sabi ng dating PinoyDream Academy scholar.

Nang tanungin kung may galit ba siya kay AJ, ang sagot ng dalaga ay,“I’m not angry. I have nothing against him. Wala akong ano…pero right now,gusto ko munang mag-rest ang heart ko. I want to be alone now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN