Wyngard Tracy shows soft side in "Pinoy Idol"

Wyngard Tracy, one of Pinoy Idol's judges, is not a singer by profession. He is actually a talent manager whose roster of wards includes Jaya, Maricel Soriano, Aiko Melendez, to name a few. But when he joined GMA-7's defunct show Celebrity Duets last year, he proved that he can definitely sing.


Who says mataray ang itinuturing na Simon Cowell ng Pinoy Idol na si WyngardTracy?

Si Wyngard ay isa sa tatlong judges ng Pinoy Idol, ang local franchise ng American Idol,sa GMA-7. The other two are Ogie Alcasid and Jolina Magdangal.

Malaking mama si Wyngard pero malaki rin pala ang pusong talent manager. Akala kasi ng karamihan ay magiging mataray at prangka si Wyngard sa mga mag-o-audition sa Pinoy Idol.

Subalit sa pre-judging last Friday, February 22, sa SMX ConventionCenter ng SM Mall of Asia, nasaksihan namin mismo kung gaano ka-considerate si Wyngard sa mga nag-audition na sa tingin niya ay may talent talaga sa pagkanta.

Pero kapag may ayaw o wala talagang makita siWyngard sa contestant, diretso agad niyang sinasabi ito at walangmakakapagpabago ng isip niya.

"I've always been like this, kilala mo namanako noon pa," sabi ni Wyngard sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Originalako, mas matanda pa nga ako kay Simon. Hindi ako nag-second thought nangtanggapin ko ang offer ng GMA-7 at nang ma-approve ako ng Fremantle."

Gaya ba ni Simon ay wala rin siyang preno kungmagbato ng criticisms at manindak ng mga contestants?

"Wala naman akong magagawa dahil ganito na talagaako. Yes, brutally frank ako, may masasaktan, pero kailangan talagang ganoonang sabihin ko. Matatalino na ang mga viewers ngayon. Alam na nila kung alam moang ginagawa mo as a judge, dahil alam na nila kung ang contestant ay kayatalagang abutin ang mataas na note ng kanta o sumisigaw na lamang siya paramaabot iyon. Sina Ogie at Jolina, may asukal pa kung minsan ang sinasabi nila,pero iyon sila, eh."

Nang ilarawan naman niya ang trio nila nina Ogie atJolina, ayon kay Wyngard, "But we mostly agree on things, whether it's a 'yes' or 'no'. Kung minsan may hindi rin kamipinagkakasunduan, pero hindi iyon personal, nagbibigay lamang kami ngsari-sarili naming opinyon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May chemistry ba naman silang tatlo? Kumusta siJolina na marami kumukuwestiyon sa pagiging isa sa mga judges ng naturangsinging competition?

"Nakakagulat si Jolina, she's verynatural," nakangiting wika ni Wyngard. "Hindi ba kilala nating makulaysi Jolina dahil sa mga isinusuot niya? At ngayon ko nga lamang nalaman na she'sturning thirty na pala. Dito, ibang-iba siya, talagang ibinabagay niya ang ayosniya sa pagiging judge niya, mula sa hair, clothes, shoes. At akala molamang ay siya ang sweet sa pagbibigay ng comments, pero hindi...Kaya lamang,marunong siyang mag-comment na hindi masasaktan ang contestant.

"Si Ogie naman ang pinaka-cool sa aming tatlo.At tinawag na nga siyang ‘Mr. Tissue Boy' dahil siya iyong tumatayo atnagbibigay ng Kleenex tissue doon sa mga hindi makapigil maiyak kapag na-rejectsila. Madalas din siyang humihingi pa ng ilang songs sa contestant, kayakung minsan, sasabihin ko sa kanya, ‘Ano ba ito, concert?' Pero ang katwiranniya, baka raw may makuha pa siya sa contestant kapag kumanta ng ibangsong."

At si Raymond Gutierrez, ano naman ang masasabi niyarito bilang host ng Pinoy Idol?

"Mahirap ang role ni Raymond, siya ang cushionng mga contestants, lalo na iyong mga nari-reject. Siya ang iniiyakan, maynagagalit din at sinasabi nila iyon sa kanya. Pero mahusay si Raymond dahilkaya niyang maging kuya sa kanila.

"From day one pa lamang, walakaming problema. Wala kasing diva, walang nagtataray, walang pa-star, it's aworking team. Kaya ako naman, ready hanggang sa matapos ang show, hindimuna ako nag-schedule ng travel abroad. At least, nagkaroon ako ng chance namakalibot sa Pilipinas."

May time ba na umiyak na rin siya dahil sacontestant?

"Minsan, nahuli nila ako. Sa Iloilo iyonna may contestant kaming blind. Pinipigilan ko sana, pero nakita ko,umiyak na si Jolina, ang buong staff, hindi na rin ako nakapigil. Tumingala ako, pero tumulo rin ang luha ko, iyon ang nahuli ng camera."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hayan, ‘di ba may soft side din pala ang mataray nasi Wyngard Tracy?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN