Wilma Galvante assures Jennylyn Mercado she still has a career after giving birth

GMA-7's SVP for Entertainment TV Wilma Galvante (right) has assured young actress Jennylyn Mercado (left) that she will still have a career after giving birth to her child with Patrick Garcia.



Ngayon, February 24, ang mismong araw ng kaarawan ni Ms. Wilma Galvante, GMA Network Senior Vice-President for Entertainment TV, pero nagkaroon siya ng malaking birthday celebration sa Imperial Palace Suites noong Biyernes ng gabi, February 22.



Inabala ng PEP (Philippine Entertainment portal) ang pagpapahinga ni Ma'am Wilma para hingin ang kanyang panig tungkol sa paghaharap nila ng talent manager na si Becky Aguila, na kasamang dumating ni Jennylyn Mercado sa birthday party niya.



Ayon kay Ma'am Wilma, "I'm sorry" ang unang sinabi sa kanya ng manager nina Jennylyn at Angel Locsin nang lumapit sa kanya.



Sinagot ni Ma'am Wilma ng "It's my birthday, let's party" ang apology sa kanya ni Becky.



Nagkaroon ng lamat ang working relationship nina Ma'am Wilma at Becky dahil sa paglipat ni Angel sa ABS-CBN noong nakaraang taon.



Ikinuwento ni Ma'am Wilma na pinaimbitahan nito si Jennylyn sa kanyang party dahil gusto niyang makita at makausap ang young actress na kasalukuyang buntis sa anak nila ni Patrick Garcia.



May ilang linggong namalagi sa U.S. si Ma'am Wilma, at nasa ibang bansa man, aware siya sa mga nangyayari kay Jennylyn at sa relasyon nito kay Patrick.



Nang magkita sila, ibinigay ni Ma'am Wilma kay Jennylyn ang assurance na wala itong dapat ikabahala dahil may career siyang mababalikan, pagkatapos niyang isilang ang magiging anak nila ni Patrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN