Ara Mina on love: "Hindi ko pa talaga suwerte."

After all the lessons she learned from her past relationships, Ara Mina is now extra careful with her lovelife. And while waiting for Mr. Right, she plans to focus on her career.


Kung paramihan ng manliligaw ang pag-uusapan,isa na si Ara Mina na masasabing lapitin ng mga kalalakihan. Pero nagiging mapili na si Ara. Ang policy nga niya, kung makikipag-boyfriend man siya,titiyakin niyang ito na ang pangmatagalan.

"Naka-focus kasi ako saibang bagay ngayon. At sa rami ng napagdaanan ko rin, siguro naman, natuto na ako," sabi pa ni Ara.

Hinulaan kasi si Ara nalalong magtatagumpay sa negosyo at career kung ibubuhos ang panahon dito atipagpapaliban na muna ang pag-ibig.

"Mahirap planuhin angganyang bagay," aniya pa. "Kaya lang, sa dami ng inaasikaso ko, mukhangang mapababayaan ko na muna ang lovelife. It's just okay, kasi masaya naman ako.

"Noong Valentine's Daynga, nag-stay lang ako halos sa bahay. Nanood ng DVD. Nakipagkita lang ako with some friends, pero most of the time, I just slept sa bahay, kain,pahinga.

"I can't say nanagmukmok ako, pero wala rin kasi akong pupuntahan that day. Nakakatamad dahil noong gabi na, sobrang traffic naman. Umistambay na lang ako sa bahay,"ani Ara.

Marami tuloy sa mga kaibiganniya ang nag-alala na baka dahil loveless nga, nagmukmok na lang si Ara.

"Ako pa? Ang dami kongpuwedeng gawin. At saka yun yung time na sobrang napagod ako sa kapu-promote ng Selda.

"And after the Valentineseason, hinarap ko agad ang promo naman ng Ate.Sarili kong production yun kaya mas matindi ang efforts ko, as in hands-on supervision," kuwento pa ng aktres.

Minsan nga, may isangmanliligaw si Ara na medyo nairita siya at talagang sinabihan nga raw niya na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya.

"Hindi sanagmamalaki or what..." sabi pa ni Ara. "Pero, talagang hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko kung gagawin lang akong miserable, o hindi
magiging maganda ang trato sa akin.

At nasabi pa ng aktres na sa edad niya at mga naranasan niya, mas maingat na siya sa pagpili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ganyan namanlagi ang mga lalaki, at hindi ko nilalahat. Pero may pagkakataon kasi na kung ligawan, maganda ang ipinapakita nila. Mas gusto kopa yung nakikipagkaibigan na lang ako sa kanila. At kung lumalabas man ang katarantaduhan nila, at least, yun ang totoo sa kanila. At kung mahuhulog ang loob ko sa kanila, kasama na roon ang imperfections.

"Kaso nga,gusto ko munang magtrabaho nang husto. Ang career kasi, kapag pinagbuhusan mo ng panahon, mas maganda ang nagiging resulta.

"Sa pag-ibig,parang mas lamang ang talo. Siguro nga, hindi ko pa talaga suwerte ang pag-ibig," nasabi na lang ng aktres.

SISTER A'a. Samantala, mas maganda na angitinatakbo ng relasyon nila ng kapatid na si Cristine Reyes. Mukha ngang mas nag-mature si A'a, ang palayaw ni Cristine.

"Yung saamin kasi, natural sa magkapatid [na] minsan, hindi nagkakaintindihan, pero naaayos din agad yun. Wala nakaming pakialaman pagdating sa love-love na 'yan. I want to give her that opportunity to choose and lead her own life. Kapag nagsabi na lang siya ng problema sa akin at kung nanghingi ng tulong, doon na lang ako umeeksena," sabi pa ni Ara.

Noon kasi,nagiging emotional din si Ara, lalo na noong nanligaw si Keempee de Leon kay Cristine. Bilang ate, nag-react si Ara dahil naging boyfriend niya si Keempee noon.

"Ang pangitkasi, 'di ba? And besides, ang laki ng agwat ng edad nila. I just said my piece that time, at naiintindihan ni Cristine yun. Eh, 'di siya
rin naman ang nag-decide," aniya pa.

Iniintriga siHazel, ang real name ni Ara, kay Willie Revillame. Naging open din kasi si Ara sa hindi niya pagkagusto kay Willie para sa kanyang kapatid.

"Hindi namansa tumututol ako na parang I'm against it. Kaya lang, tinatanong kasi ako. Malaki ang tiwala ko kay Cristine, at alam kong magkaibigan lang sila ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akongpuwedeng sabihing anuman against Willie 'cause, I know, hindi naman talaga siya nanliligaw sa kapatid ko. Barkadahan lang 'yan," paliwanag ng actress-movie producer.

Nagkaroon ba sila ni Willie ng "past" noon?

"Excuse me,wala kaming past ni Willie 'noh! Sa ngayon kasi, naroroon na yung grabeng tiwala ko kay Cristine, that she knows what she's doing,"
lahad ni Ara.

Kasi alamni Hazel na ang kapatid niya ay in love sa ibang guy—Dennis Trillo.

"Inaminnaman niya na si Dennis ang kasama niya noong Valentine's Day, kaya yun na lang," napapangiti si Ara.

"Ayokona lang magsalita. Baka sabihin ni A'a, heto na naman ako, nagmamahadera. Dinadala naman ni Cristine nang maayos yung lovelife niya, and let's just give it to her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN