John "Sweet" Lapus addresses issues about friends in ABS-CBN and in his former bar

"Gawa-gawa lang ‘yan ng mga taong nandun pa na hindi kokaibigan. Ang hindi nila alam, nakakarating sa akin ang mga sinasabinila," says John "Sweet" Lapus about reports that his friends inABS-CBN are angry at him.



Nilinaw ng comedian-TV host na si John "Sweet" Lapus kahapon, February 24, sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na walang katotohanan ang naisulat na diumano'y galit sa kanya ngayon ang mga kaibigan niyang naiwan sa ABS-CBN.

Mula raw kasi nang lumipat si John sa GMA 7 at nagkaroon ng show rito—ang S-Files na naging Showbiz Central kung saan ay may sarili siyang segment na "Don't Lie To Me"—ay yumabang at lumaki na raw ang ulo niya. Hindi na nga raw niya naaalala pa ang mga dati niyang kaibigan sa ABS-CBN.

Sabi ni John, "In fairness sa mga kaibigan ko, kaibigan ko pa rin sila. And I trust them na I know actually, never silang magsasalita ng kahit anong bagay against me because I'm doing the same thing or vice versa.

"Gawa-gawa lang ‘yan ng mga taong nandun pa na hindi ko kaibigan. Ang hindi nila alam, nakakarating sa akin ang mga sinasabi nila. At sinabi ko na ito dati at uulitin ko pa rin: Umalis ako sa ABS-CBN, na kaibigan ko pa rin ang mga naging kaibigan ko na nandun. Nagpaalam ako nang maayos sa ABS-CBN at maayos ang aking paglipat. At ‘yan ang number one na bagay na sinigurado ko that I would still friends with them."

Pagpapatuloy pa ni John, "Nandito ako ngayon sa GMA-7. Yung mga taong nang-iintriga sa akin, walang mga kaibigan dito sa paligid ko sa GMA. Sila pinalilibutan ng mga kaibigan ko run. So kung ano yung mga sinasabi nila, nakakarating sa akin.

"Yung mga kaibigan ko, wina-warningan na ako. Maski raw sila nine-name drop na ng mga taong naninira sa akin. Sabi nila, 'O, bakla, nine-name drop kami. Alam mo namang hindi totoo yun. Kinakausap nila ako ng ganun. Sabi ko sa kanila, alam ko naman yun na hindi nila ako magagawang siraan."



Samantala, nilinaw rin ni John na walang katotohanan na kaya hindi raw niya magawang mailabas o kunin ang ilang mga kagamitan niyang naiwan sa dati niyang bar sa Esquinita near ABS-CBN, ang Grafitti, ay dahil may utang pa raw siya sa may-ari ng puwesto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi totoong may utang pa ako sa landlord ko," sabi ni John. "As a matter of fact, yung landlord ko pa nga ang may utang sa akin. Kasi, di ba, mayroon akong advance deposit? Hindi ko pa nakukuha yun. So in return naman, meron akong mga gamit na hindi pa nabebenta na itinatago ko muna dun. So parang nakikitago muna ako dun and in return, hindi ko muna kinukuha yung advance ko sa kanya.

"Nung umalis ako doon, marami akong mga bagay na naiwan doon na I know naman na it's part of the contract dahil permanent fixtures sila, hindi na sila puwedeng tanggalin. So, ang point ko doon, masuwerte yung mga pumalit sa akin doon, na mga kaibigan ko rin naman ang mga bagong may-ari nun—yung mga staff ng The Buzz—dahil may naipagawa na ako doon na sila ang makikinabang.

"Ano ba yung mga permanent fixtures? Yung lababo, yung banyo, ganun. Ang masasabi ko lang, suwerte sila kasi kung ibang tao ako, halimbawa, hindi nila ako kaibigan, sisirain yung inidoro, kukunin ang lababo nang walang nakakaalam, di ba?

"Ang dami ko doong mga improvements," patuloy ni Sweet. "Nakuha ko yung lugar na yun, blangko yun. Ako ang nagpagawa ng ceiling, ng flooring, lahat. Ako ang bumuo. So umalis ako na alam ko naman na it's part of my contract.

"Ang inaano ko lang is, wala man lang akong naramdaman na konting gratitude.... Kasi bilang mga kaibigan ko naman, something like 'Uy salamat, buti na lang, sister, ipinagawa mo na, hindi na ako bibili ng inidoro, ng mga ganun...' Yung baklaan lang. Kaso wala akong narinig ng mga ganun mula sa kanila.

"Tapos masusulat pa ako ng mali, na kesyo sinisingil ko sila sa mga nagastos ko doon. Bakit ko naman sila sisingilin, e, mga kaibigan ko nga sila? At saka sabi ko nga, permanent fixtures yun na nakalagay sa kontrata na kung ano man ang ipinagawa ko run o binago ay hindi na yun sa akin once na iniwan ko na yung lugar. Naiintindihan ko yung kontratang pinirmahan ko," paliwanag ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN