Carlene Aguilar and Dennis Trillo getting along but not getting back together

"Hindi na po ako in love sa kanya as in a romantic ano. Siguro love dahil ang tagal ng pinagsamahan namin... And gusto ko kahit hiwalay kami, lumaki si Calix na alam niyang okay yung parents niya," explains Carlene Aguilar about her relationship with former boyfriend Dennis Trillo (inset).



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang beauty queen at dating karelasyon ni Dennis Trillo na si Carlene Aguilar noong Linggo, February 24, pagkatapos ng live interview niya sa showbiz talk show ng GMA-7, Showbiz Central.

Masayang ibinalita ni Carlene na talagang maganda na ngayon ang relasyon nila ni Dennis, ang ama ng anak niyang si Calix Andreas.

Sabi ni Carlene, "Yung mga away namin before, hindi na namin pinag-uusapan. Nag-start kami na okay this year. Okay naman ngayon talaga. Mas okay ang relationship namin ngayon kesa dati."

Kung nag-uusap man daw ngayon sila ni Dennis, nilinaw ni Carlene na para na lang ‘yon sa kanilang anak. Hindi raw nila napapag-usapan na magkabalikan pa sila.

"Walang tsansa na pag-usapan ‘yon kasi masyado kaming nae-excite sa pag-aalaga sa baby ‘pag magkasama kami with Calix," banggit ng dating beauty queen.

Pagkatapos mapunta sa wala ang relasyon nila ni Dennis, hindi ba siya natatakot na magmahal uli?

"Siyempre, nakakatakot," sagot ni Carlene. "Pero kailangan mong mag-take ng risk, hindi puwedeng matakot ka na lang palagi."

Mula nang lumabas si Carlene at aminin niyang nagkaroon sila ng relasyon ni Dennis at nagkaanak siya rito, maraming nakapansin na bumaba ang popularity ng young actor. Tuloy, si Carlene ang sinisisi ng iba.

"Siguro hindi ako yung may kasalanan nun, so huwag nila akong sisihin," pagtatanggol ni Carlene sa kanyang sarili. "Na kay Dennis yun kung paano niya gagawin, kung paano niya aayusin. Basta nasa kanya yun. And sana mabigyan siya ng fans niya ng chance.

"Kasi yun naman ang importante, kung paano kang babangon after yung mistake mo. Kasi siyempre, tao lang naman tayo na nagkakamali. Siyempre minsan galit lang din kaya nagagawa mo yung mga bagay-bagay na hindi mo ini-expect na magagawa mo. So, kailangan lang siguro ng mga taong intindihin siya kasi tao lang din naman siya," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumangit na raw ang image ni Dennis mula nang lumabas sa publiko si Carlene at ipagsabi na may anak na sila. Ano ang reaksiyon dito ni Carlene?

"Five years kami na magkarelasyon and sinuportahan ko siya. Hindi ko sinabi na kami, wala kayong narinig sa akin. Pero siguro time lang na... Siguro dahil na rin sa baby na parang ipakilala ninyo ako, ganun," aniya.

Wala ba siyang pagsisisi na nararamdaman sa ginawa niyang pag-amin ng tungkol sa kanila ni Dennis?

"Wala, kasi parang kailangan ko nang sabihin yung totoo. Kasi ako na yung naaagrabyado. And hindi ako yung klase ng tao na nagpapa-agrabyado. Hindi naman ako matapang. Pero alam ko lang kung saan ko ilulugar yung sarili ko, kung ano yung mga dapat kong gawin, saka kung kelan ko ipapakita yung, alam mo yun, tama na, ganyan," pahayag ni Carlene.

Masasabi ba niyang wala na talaga siyang nararamdaman para kay Dennis?

"Hindi na po ako in love sa kanya as in a romantic ano," sagot ni Carlene. "Siguro love dahil ang tagal ng pinagsamahan namin. ‘Tapos siyempre, kahit nag-aaway kami, alam n'yo yun, kailangan naming i-patch yung things kasi may baby kami, e. Hindi namin puwedeng alisin yun. And gusto ko kahit hiwalay kami, lumaki si Calix na alam niyang okay yung parents niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN