"Entertainment Live" apologizes to Gretchen Barretto

"Sana walang bastusan. Walang sakitan. Masakit yung ginawa nila sa akin. Masakit ang umupo at marinig lahat ng mga sinasabing negative about sa akin," says Gretchen Barretto after her walkout from Entertainment Live.



Ipinalabas sa The Buzz noong Linggo, February 24, ang detalye ng walkout ni Gretchen Barretto sa Entertainment Live! last Saturday, February 23. Kitang-kita doon kung paano tinakpan ni Gretchen ang dalawang tenga niya habang pinapalabas ang VTR tungkol sa nakaalitan niyang si Nadia Montenegro.



Nagbago ang mood ni Gretchen hanggang sa bigla itong tumayo sa kalagitnaan ng VTR at nagdesisyong lumabas ng studio.



"Everybody has a choice in their life and my choice is not to listen to anything negative. So, that's my choice," pahayag ni Gretchen habang sinusundan ng crew ng The Buzz palabas ng studio.

"I don't want to say anything nasty about her [Nadia]," patuloy niya. "Ayokong marinig. Iniwasan kong basahin ‘yan. Kahit ipinadala sa akin, tinapon ko, ayokong marinig. Sana naman respetuhin ako ng tao kung ayokong marinig dahil masakit ‘yon.

"Marami pa akong trabaho ngayon... That's unfair and I hate something like that. It's really unfair because I don't want to say anything nasty about the people I love. Masama ng loob ko dahil ako nagge-guest ako, sana tratuhin ako ng tama.

"Sana walang bastusan. Walang sakitan. Masakit yung ginawa nila sa akin. Masakit ang umupo at marinig lahat ng mga sinasabing negative about sa akin," hinanakit ng kontrobersiyal na aktres.



First time daw nangyari ‘yon kay Gretchen.



"Ako, professional akong tao. Hindi ako nale-late. Hindi ako nagrereklamo kahit ano ang trabaho ko. Huwag lang nila akong bastusin. Huwag nila akong sasaktan," sabi pa niua.



Nang tanungin siya ng staff ng The Buzz kung nasaktan siya sa nangyari, ito ang sagot niya: "Hindi siguro. Tingnan ninyo, hindi ako nasasaktan. Okay ako."



Sa kahilingan na rin ni Gretchen, tahimik na lang siyang sinundan ng The Buzz hanggang sumakay siya ng kanyang sasakyan.



Kasunod nito, nagpalabas ng official statement ang Entertainment Live! sa nangyaring pag-walkout ni Gretchen sa kanilang show. Narito ang kanilang pahayag:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ikinalulungkot ng staff and crew ng Entertainment Live! ang insidenteng nangyari kahapon na naging dahilan ng walkout ni Ms. Gretchen Barretto. Hindi po inaasahan ng programa na hahantong sa ganito ang pangyayari.

"Inilabas lamang ng Entertainment Live! sa VTR ang mga naging kaganapan ng nagdaang linggo kaugnay ng kontrobersiyang kinasasangkutan ni Ms. Barretto ayon sa mga detalyeng naglabasan sa mga diyaryo at telebisyon.

"Hindi inaasahan ng program ang naging pagtanggap ni Ms. Barretto sa kanyang narinig at nakita. Wala pong intensiyon ang Entertainment Live! na saktan ang damdamin niya.

"Ganun pa man, buong pagpapakumbaba na humihingi ng despensa ang lahat ng bumubuo ng Entertainment Live! kay Ms. Gretchen Barretto. Mananatiling laging bukas sa pagtanggap at pagsuporta sa kanya ang aming programa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN