Marky Cielo feels good chemistry with Glaiza de Castro

"Seryoso siya, mabait, at saka maayos. Organisado siyasa maraming bagay. Kontrolado niya ang sarili niya, at alam din niya kung paanomag-enjoy. 'Yun naman ang importante roon... I find hernice and attractive, too. Hindi naman lahat ngbabae, nagkakagusto ako," reveals Marky Cielo about Kaputol ng Isang Awit co-star Glaiza de Castro.


Nagulat si Marky Cielo nang dalawin ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa location ng taping for Kaputol ng Isang Awit,sa isang building sa loob ng Ateneo de Manila University compound, at usisain sa isyungkesyo nagpuprotesta raw si Jolo Revilla sa nakatakdang kissing scenes nina Lovi Poeat Marky sa nabanggit na teleserye.

"Hindi ko pa alam kung may kissing scenes ba,"ani Marky. "Hindi pa nga sinasabi sa akin. Pero kung meron man,gagawin ko kung iuutos ng direktor at kailangan sa script.

"Kung hindi okey sa kanila na may kissing scenes, walanaman din akong magagawa. Basta, kung ano ang iuutos ng direktor, yun lang angsusundin ko."

Mainit na kasi ang pagbabantay-sarado ni Jolo kay Lovi. Silana nga ang mainit na nauugnay sa isa't isa.

"Ayoko namang makisali sa kanila, dahil personal nanila yun. Kaibigan ko silang pareho. Maganda ang samahan namin sa set. Sana,huwag na lang intrigahin," pahayag ni Marky.

Sa unang bahagi ng Kaputol ng Isang Awit, sina Markyat Lovi ang magkakaroon ng kaugnayan. Pero ang totoong ka-loveteam ni Marky naibini-buildup ng GMA-7 ay si Glaiza de Castro.

"I'm very much comfortable with Glaiza," aniMarky. "Meron din naman kaming chemistry, kasi nagkasama na kami sa AsianTreasures, Boys Nxt Door, at Fantastic Kids. Wala nangadjustment pang gagawin dahil nagkukulitan na kami, masaya kami when we'retogether sa set.

"Mature role na bale ang naka-assign sa akin dito, bilangexecutive ng isang recording company. Kaya dapat medyo ibahin ko ang atake ko rito, para hindi masyadong bagets ang dating."

CAREER OVER LOVE. Isa si Marky sa iilang male young stars na ang focus ay nasacareer talaga. Yung iba, maagang nai-in love. Worst, nai-involve sa maagangbuntisan.

"Low profile lang ako," aniya. "May mganatitipuhan din ako, pero simple lang ang diskarte ko. At saka hindi ko munaseseryosohin yung ganyang mga bagay dahil marami pang panahon para riyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sayang ang opportunities kung hindi akomagko-concentrate sa trabaho. Hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon," sabi pa ni Marky.

Hindi inilalayo ni Marky ang posibilidad na baka mahulog angloob niya kay Glaiza. Not just part of the promo, pero hanga si Marky rito sakasimplehan at pagiging dedicated sa trabaho.

"Seryoso siya, mabait, at saka maayos. Organisado siyasa maraming bagay. Kontrolado niya ang sarili niya, at alam din niya kung paanomag-enjoy. Yun naman ang importante roon," sabi ng binata.

Gusto raw niyang makilala pa nang lubos si Glaiza.

"Hindi sa nag-iisip akong ligawan siya, pero I find hernice and attractive, too," pagtatapat ni Marky. "Hindi naman lahat ngbabae, nagkakagusto ako. Yun nga lang, may pinagsamahan din kasi kami niGlaiza.

"Mas okay na itong friends kami. Magkakakilala kaminang husto through our friendship. Malaking bagay na yung kapag may problema ako, hindi akonahihiyang magsabi kay Glaiza."

Sumasabak siya sa action at drama, bahagi ng kanyangpackaging bilang idolo at aktor. Puro career na nga lang ba siya?

"Marunong din akong mag-enjoy, hindi puro seryosongbagay. Kasi, sabi nila, masyado akong naka-focus. I still give time for myself.Mahirap yung trabaho na lang palagi ang iniisip ko.

"Yun nga lang, ayokong magseryoso sa love-love na'yan. Nariyan pa rin kasi ang friends ko na nabibigyan ko ng time. Happy na akosa ganoon, kesa preoccupied na ako ng career, meron pang seryosohang love.

"Darating din 'yan. Pero, yung mga babaengnakakatrabaho ko, nakaka-close ko eventually. Usually, hanggang ganoonlang," at natawa na lang ang binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN