Claudine Barretto mediates between Gretchen and Nadia

"Hindi pa ready yun, e. Hindi pa puwede kasi hilaw pa. Pero ceasefirena sila. Pareho lang naman silang masasaktan ‘pag patuloy pa silangnag-away, e. Walang winner sa situwasyon na ito," says Claudine Barretto about the possibility of her sister Gretchen Barretto (inset, top) and Nadia Montenegro (inset, bottom) burying the hatchet.



Nasaktan ang dating aktres na si Nadia Montenegro nang makarating sa kanya ang naging pahayag ni Claudine Barretto sa isang interview. Si Nadia raw ang nagkakalat ng mga malisyosong balita tungkol sa nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto. Ito ay ayon na rin daw sa sumbong ni Gretchen kay Claudine.

Sabi naman ni Nadia, hindi raw dapat naniwala agad si Claudine kay Gretchen.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Claudine kagabi, February 26, sa burol ng ina ni Ethel Ramos, entertainment columnist at manager ni Aga Mulach. Ayon kay Claudine, hindi naman daw si Gretchen ang talagang nagsumbong sa kanya.

Sabi niya, "Unang-una, tapos na yun. Tapos na lahat, di ba? Pero hindi si Gretchen ang nagsabi sa akin na si Nadia ang nagkakalat, walang ganun."

Ang co-host ng The Buzz at entertainment columnist na si Cristy Fermin daw ang unang nagparating kay Claudine na si Nadia ang naninira kay Gretchen.

"Si Nanay Cristy ang nakausap ko about it," pag-amin ni Claudine. "Sabi niya, may alam daw si Nadia about the whole thing. Ako naman ang nagsabi sa kapatid ko. Pero marami na pala ang nagpaabot sa kapatid ko. Hindi niya kasi sinabi sa akin, e. Nalaman ko na lang sa diyaryo, ganyan, ganyan.

"Hanggang sa pag-uwi namin from Hong Kong, may meeting na pala sila [Gretchen and Nadia]. Dun lang talaga ako nagulat na malaking bagay na pala siya. Nabasa ko rin yung isinulat ni Ogie [Diaz] na nag-text sa kanya si Nadia, na sinabi niyang maitim ang puso ng kapatid ko. Siyempre, masakit, lalo pa talaga...na alam ninyo yung closeness nung dalawa," lahad ng pinakabata sa Barretto sisters.

Ganun pa man, naiintidihan daw ni Claudine kung bakit nakapagsalita ng ganoon si Nadia against her Ate Gretchen.

"Siguro naging emotional lang si Nadia," paliwanag ni Claudine. "Di ba, ganun naman yun, na ‘pag minsan emotional tayo, nakakapagsabi tayo ng masasakit na bagay sa taong nakagalit natin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-usap na ba sila ni Nadia?

"Nung Saturday [February 23], nakapag-usap kami ni Nadia sa phone," sagot niya. "Tinanong ko muna si Ate [Gretchen] kung okay lang na kausapin ko si Nadia. Kasi nga, para kung ano ba talaga ang gusto nila para matapos na ito. Kasi, obviously, hindi pa sila ready na magkaharap. So yun, kailangan respetuhin talaga, kasi nga emotional sila pareho.

"So, nag-usap kami ni Nadia. Siyempre, in-explain ni Nadia yung side niya. Sinabi ko lang na hindi ko na kailangang alamin ang lahat ng details. Ang inaano ko lang, kung ano yung lumabas at kung ano ang puwedeng gawin para hindi na lumaki yung away nila. Kasi sayang. Maganda naman yung naging pag-uusap namin ni Nadia," kuwento ni Claudine.

Sinabi ba sa kanya ni Nadia na hindi na siya magsasalita pa o magpapa-interview tungkol sa awayan nila ni Gretchen?

Sagot ni Claudine, "Actually, both of them. Tinanong ko si Gretchen, ‘Kapag natapos na itong lahat, wala na ha?' Ia-assure ko si Nadia. ‘Ate i-assure mo ako, kami ni Ate Tanya [Montenegro, Nadia's sister] na walang magsasalita na after nito.' And very cooperative pareho."

Hindi ba sinabi sa kanya ni Gretchen o ni Nadia na kausapin na nila ang isa't isa para matapos na ang isyu sa kanila?

"Hindi pa ready yun, e. Hindi pa puwede kasi hilaw pa. Pero ceasefire na sila. Pareho lang naman silang masasaktan ‘pag patuloy pa silang nag-away, e. Walang winner sa situwasyon na ito," pahayag ni Claudine.

Sa tingin ba ni Claudine, ‘pag nagkabati na sina Gretchen at Nadia ay mababalik pa ulit ang pagkakaibigan ng dalawa?

"Alam ninyo, nasa point ako na parang ngayon ko lang ulit nakikilala ang ate ko after a long time. Sabi ko nga kay Nadia, ‘Actually, you even know her more than I do.' Kasi parang, di ba, after three years ngayon ko lang ulit kinikilala ang ate ko? Ang dami kong absences sa buhay niya nung time na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And, hindi ko alam... Ang alam ko lang, sobrang sakit for Gretchen itong nangyaring ito. Grabe, pumayat siyang lalo, hindi siya makakain, iyak siya nang iyak. And when I spoke to Nadia, ganun din.

"So, hindi ko alam. Kasi minsan, ‘pag sobrang sakit, wala na talagang babalikan. Minsan puwede rin, e. Hindi ko lang alam yung extent ng friendship talaga nila ngayon. Pero sana magbalik. Kasi kung sa amin nabalik, e.

"Pero mahirap din kasi may mga lumabas din. Pero, di ba, you choose your friends, you don't choose your family? Yun ang difference, di ba, kahit na magkadugo kayo? That's why may times na may best friend ka, hindi ang kapatid mo. Kasi you choose your friends. So when friends hurt you, ang sakit kasi parang kapatid mo yun, e.

"Kami nga nung absent kami ni Marjorie sa buhay ni Gretchen, nandun si Nadia. Ngayon naman na wala si Nadia, nandito kami. So, alam n'yo yun, hindi mo masasabi talaga," pagtatapos ni Claudine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN