Glaiza de Castro injured while taping scene for "Kaputol ng Isang Awit"

All smiles now, but Glaiza de Castro was in pain when she had an accident while taping a scene for Kaputol ng Isang Awit.



Naaksidente si Glaiza de Castrosa taping ng Kaputol ng Isang Awit sa Subic nitong nakaraang Lunes, Pebrero 25.

Ang tungkol dito ang agadnaming itinanong kay Glaiza nang makausap siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa presscon ng Kaputol ng Isang Awit kagabi, February 26, sa 17th floor ng GMA Network .

"Ayos naman, nakakakanta na akokanina," nakangiti pero halatang in pain pa rin si Glaiza.

HOW IT HAPPENED. Kuwento ni Glaiza, "Yung una...yung buong araw na yun kahapon, parang malapit talaga ako sa aksidente. Ang eksena po, kunwarinasusunog yung gown ko.

"May double ako nun. Nungpag-exit nung double, siyempre ako na. ‘Tapos tingin-tingin ako sa tao, parangnapahiya. Pag-exit ko, hindi ko nakita yung slippery floor. ‘Tapos yungsapatos ko—kasi hindi sa akin—masikip ‘tapos madulas. So, pag-exit ko,bumagsak ako, flat on the floor!

"Yung puwet ko po ang tumama. Yung ulo, naalalayan ko, kaya ‘eto, medyo may galos."

Tumama rin daw ang ulo niya, perohindi malakas ang pagkakahataw sa sahig.

"Naalalayan ko siya kaagad, tumama rin pero hindi ganun kalakas yung impact. Yung puwet ko talaga yung narinig ko na tumunog..." patuloy na kuwento ni Glaiza.

Isinakay kaagad sa stretcher siGlaiza dahil hindi na ito makabangon at makakilos.

"Opo, parang nandun silakaagad. Hindi ako makatayo, e. Basang-basa pa ako nun, kasi binuhusan ako ngjuice sa eksena, dahil kailangan nga mapatay yung apoy kunwari. Nanginginig na rin ako sasobrang lamig dahil parang 3 a.m. na rin nun. ‘Tapos ang dami na ringtechnical problems. So, hassle talaga nu'ng mga oras na yun," lahad ng young actress.

Sinabihan ang mga kasama niGlaiza na dalhin agad sa ospital ang young actress, pero mismong si Glaiza ang tumanggi.

"Sabi ko, huwag na lang, e. Dahilsabi ko, kaya ko pa naman. Sabi nila, dumiretso rawkami, ‘tapos kailangan daw nila akong ipa-X-ray. Yung sa likod ko nga po, kungano man ang nangyari. Baka may something."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dumiretso ba siya sa ospital?

"Hindi po, nagpahinga na langako," sagot niya.

May nararamdaman pa ba siyangsakit?

"Meron po, pero konting-kontina lang. Kaya ko pa. Dito po sa lower back, konting pain na lang," paglalarawan niya.

Ngayong araw na ito, February 27, pupunta siGlaiza sa doktor para magpa-check-up.

Isasa mga nag-worry nang husto para kay Glaiza ay ang leading man niya sa Kaputolng Isang Awit na si Marky Cielo. Pati na rin ang mga co-stars niyang sinaLovi Poe at Jolo Revilla ay hindi maiwasang mag-alala.

Very positive namang sinabi niGlaiza na naniniwala siyang ang kapalit ng sakit na dinanas niya ay mataas naratings ng kanilang Sine Novela na magsisimula na sa March 3, Lunes, saDramarama sa Hapon. Ito ay mula sa direksyon ni MikeTuviera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN