Innova driven by Marky Cielo hits van carrying a family

"Nakakatakot. Isang buong family yung nandun sa binangga ko," relates Marky Cielo about his vehicular accident a couple of Saturdays ago.


Sa presscon ng Kaputol ng Isang Awit na bagong Sine Novela ng GMA-7 (airing this coming Monday, March 3, sa Dramarama sa Hapon)kagabi, February 26, sa 17th floor ng GMA Nedtwork, naitanong ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Marky Cielo kung tapos na niyang bayaran ang kanyangsasakyang Toyota Innova.

Naikuwento noon sa amin ni Marky na isang dahilan ng pagsisipag niya sa trabaho ay para matapos naniyang bayaran ang kanyang bagong sasakyan.

"Hindi pa po kami tapos sa pagbabayad. So,percent-percent lang po."

Nabanggit tuloy ni Marky sa PEP na naaksidente pala siya acouple of Saturdays ago.

"Ang nangyari po kasi nun, habang nagda-drive po ako, maymga nahuhulog sa loob ng sasakyan ko. Ang problema, akala ko clear na yungdaan," simulang kuwento niya.

Katagalan daw habang umaandar ang sasakyan niya, patuloy sapaglaglag ang mga bagay na hindi naman alam ni Marky kung ano. Dahil sapaniwalang clear nga ang daan, tiwalang sinilip ni Marky kung ano man yung naglalaglagan sa loob ng kanyang sasakyan.

Iminuwestra pa ni Marky sa amin na yumuko siya, suggestingna sa ilalim ng dashboard panel nanggagaling ang mga naglalaglagang bagay saloob ng sasakyan niya. Doon na aksidenteng nabangga niya ang likod ng isangHyundai Starex van na nasa harapan niya.

Mabuti na lamang daw at hindi malakas ang impact ngpagkabangga niya.

"'Tsaka buti po walang nasaktan sa amin. Kasi nakakatakot,isang buong family yung nandun sa binangga ko," sambit ni Marky.

Papunta raw sana si Marky noon sa lugar ng handler niyang siCris Ojeda. Ipa-park niya roon ang kanyang Innova at sasakay na lang siya saservice vehicle nila ni Cris.

Ano ang naging reaksiyon ng mga pasahero ng sasakyang nabangganiya nang makitang artista pala ang nakabangga sa kanila?

"Pareho kaming natakot. ‘Tapos ang ginawa ko, nakapagtawagako na, ‘Oy, nabangga ako!' Parang... paano ba ‘to? Kailangan ko ng tulong."

Naging maayos naman ang pagse-settle sa aksidente, anginsurance company ng kotse ni Marky ang sumagot sa mga gastos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya blessing na maituturing ni Marky na after ng Zaidoay isa siya sa mga bida sa Kaputol ng Isang Awit, kasama nina Lovi Poe,Jolo Revilla, at Glaiza de Castro na siyang gaganap sa papel dati ni Sharon Cuneta sa film version nito 17 years ago. Ginagampanan naman ni Marky ang role dati ng katambal ni Sharon na si Tonton Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN