Jennylyn Mercado has another version about absence in first presscon of "Half-Blood Samurai"

Jennylyn Mercado contradicted her mother Mrs. Lydia Mercado's story about her non-appearance at the first presscon of Half Blood Samurai. While Mommy Lydia said it was Patrick Garcia's fault, Jennylyn says Patrick was not with her at that time.



Sa second presscon ng Half-Blood Samurai kagabi, February 26, ay ipinaliwanag ni Jennylyn Mercado kung bakit hindi siya nakasipot sa unang presscon ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Jacky Woo.

Ayon kasi sa unang kuwento ng ina ni Jennylyn na si Mrs. Lydia Mercado, papunta na raw sila sa presscon nang magpa-gasolina muna sila. Kuwento ni Mommy Lydia, sinundan sila ng boyfriend ni Jennylyn na si Patrick Garcia. Sinabi raw ni Patrick na siya na lang ang magdadala kay Jennylyn sa presscon kaya isinabay niya ito sa kanyang sasakyan. Ang ending, hindi nakarating sa presscon si Jennylyn dahil hindi raw siya pinayagan ni Patrick.



Sa version naman ni Jennylyn, galing daw siya sa isang show sa Laguna at pagdating daw nila ng Mandaluyong ay dumaan daw siya ng simbahan para makapagmisa. Pagkatapos ay nagutom siya dahil the whole afternoon ay hindi siya nakakain.

"Sumakit po ang tiyan ko after kong kumain," sabi ni Jennylyn. "Siguro po dahil halos maghapon na hindi ako kumain, nabigla ang tiyan ko sa bigla kong pagkain kaya sumakit."

Tumawag daw si Jennylyn sa kanyang handler para sabihin na hindi na siya makakarating. Magsu-sorry raw siya nang personal kay Jacky.

Dahil magkaiba ang kuwento nina Jennylyn at Mommy Lydia, posibleng isa sa kanila ang hindi nagsasabi ng totoo. Sa kuwento kasi ni Mommy Lydia, pinalalabas na si Patrick ang kontrabida. Samantalang sa version naman ni Jennylyn ay walang nabanggit tungkol kay Patrick at hindi niya raw ito kasama noong araw na 'yon.

Para kay Jennylyn, miscommunication daw ang nangyari at ipinagdiinan nito na walang kinalaman si Patrick sa hindi niya pag-attend ng unang presscon ng Half-Blood Samurai. Alam daw ng producer nila kung bakit hindi siya naka-attend dahil kinausap pa niya ito nang personal.



Maganda ang mood ni Jennylyn sa second presscon ng Half-Blood Samurai kagabi, pero mukhang nasira dahil sa pagkuwento niya ng kanyang version sa hindi niya pagpunta sa unang presscon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



May ilang reporters na nagsabing mabuti yata na mag-lie detector test na lang ang mag-inang Jennylyn at Lydia sa Showbiz Central para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at sino ang nagsisinungaling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN