Regine Velasquez to return to "SOP" says close friend Gabby Eigenmann

Gabby Eigenmann claims he knows something about the Regine Velasquez's problem with GMA-7, but he chooses to be quiet about it. He says the Songbird's return to SOP is more important than the issue between the network and the singer.



Bilang isa sa mga malapit na kaibigan ni Regine Velasquez,tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gabby Eigenmann kung anona ang nangyayari kay Regine ngayon pagkatapos ng magulong usapin na kinasangkutan nito kailanlang.



Nasagot naman ni Gabby ang aming katanungan at sinabi nga nito na two weeksfrom now ay babalik na raw ulit si Regine sa SOP. Tamang-tama raw dahilmalapit na rin ang birthday ni Gabby at gagawin daw ang kanyang birthday celebration sa SOP.



Nakagawa ng malaking ingay ang pag-iyak ni Regine two weeks ago sa naturangshow. Pagpapaalam daw ito ng Songbird sa kanyang fans sa GMA-7 at sa SOPfamily. Buong akala nga ng lahat ay sa ABS-CBN na ang tuloy ni Regine, perodahil sa pagde-deny raw ng Kapamilya network na in-offer-an nila ito, malabo nang matuloy ang paglipat ng Asia's Songbird.



Naintindihan naman daw ni Gabby ang mga pinagdadaanan ngayon ng kaibigan niyangsi Regine. May nalalaman siya sa diumano'y tampo ni Regine sa Kapuso network, pero quiet na lang daw si Gabby sa mga nalalaman niya.



"Pabayaan na lang natin si Regine at ang mga nakakaalam sa career niya to dotheir thing. Bilang kaibigan ni Regine, naiintindihan ko siya and in a way, maykatwiran naman silang gawin iyon.



"But what's important ay babalik si Regine sa SOP at maayos na sana anglahat. Yun naman ang hope ng maraming taga-GMA, na wala nang mangyaring ganunulit between Regine and GMA-7. Afterall, matagal na ang pinagsamahan nilang dalawa and things will eventually turnout okay naman," pahayag ni Gabby.



Patapos na ang Marimar ngayong March, at hindi pa alam ni Gabby kungano ang magiging next show niya. Habang naghihintay siya, baka ituloy na niyaang pagwo-workout sa gym para pumayat at gumanda ang hubog ng katawan niya.



Sa ngayon, ang pagtulong sa pagpu-promote ng pelikulang Half Blood Samuraiang pinagkakaabalahan ni Gabby, kung saan ang role niya ay bilang kapatid ni JennylynMercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN