"Something big" will happen to Dingdong Dantes in March

Heartthrob Dingdong Dantes is set to become one of the country's hottest sexy stars because of his pictorial for Bench underwear. The Marimar lead actor reportedly threw out all his inhibitions for the sexy pictorial.



Pagkatapos ng kanyang daring pictorial para sa Cosmopolitan magazine at pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash last year, former Viva teen actor Dingdong Dantes bares himself anew sa ilulunsad na malalaking billboards ng Bench underwear.



Si Dingdong ang latest addition sa lumalaking pamilya ng Bench na pag-aari ng businessman Ben Chan. Ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ang unang nagbalita ng naturang photo shoot ni Dingdong. (Click here for that story.)



Napag-alaman din ng PEP mula sa isang source na higit pa raw ang ginawa ni Dingdong sa Bench photo shoot niya na kinunan sa Subic Bay Freeport sa Zambales ilang linggo na ang nakararaan. Mas exciting din daw ang photo shoot ng leading man ng Marimar kesa sa sexy pictorials niya sa Cosmopolitan kung saan naghubo't hubad si Dingdong.

"Naku, tiyak na pag-uusapang muli si Dingdong kapag lumabas na ang kanyang Bench pictorial! Ibang-iba siya rito. Ang lakas ng kanyang dating. Papable na papable ang dating niya sa akin!" says a PEP informant who witnessed Dingdong's pictorial.



Sa isang interview kay Dingdong sa set ng Marimar, sinabi niyang "something big" is happening on him in March at dapat daw itong abangan ng kanyang mga tagahanga. Itong Bench pictorial marahil ang tinukoy ni Dingdong na "something big" na magaganap sa kanyang buhay bilang isang artista at celebrity endorser.

Ayon pa sa PEP informant, it's really something big for Dingdong—ang pagpayag niyang magpaka-daring lalo sa photo shoot para sa Bench. Ikagugulat daw ng mga umiidolo at nag-iilusyon kay Dingdong kapag inilunsad na ang malalaking billboards sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Ave. (EDSA), Metro Manila, at ibang key cities.

Hirap daw ang Bench management na pumili mula sa pictorial kung alin ang kanilang ilalabas dahil sa sobrang ganda ng mga kuha. Pero kung ang source ang tatanungin, pinakagusto raw niya yung naka-brief lang si Dingdong, nakadipa, at nakaharap sa dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pa raw sa gustung-gusto niya ay ang pictorial ni Dingdong kung saan naka-G string lang ang aktor. Lutang na lutang din daw ang ganda ng pangangatawan ng matinee idol sa kanyang push-up shots.



"Ang gaganda ng mga kuha ni Dingdong!" bulalas ng aming source. "Wala kang itatapon sa kanyang pictorial. Walang dudang si Dingdong nga ang maituturing na hottest sexy actor sa kasalukuyang panahon. After this, I bet lalo siyang pag-uusapan sa lahat ng sulok ng bansa. And I tell you, baka maraming maaksidente sa kahabaan ng EDSA kapag nakaposte na ang billboard ni Dingdong!" biro pa niya.



Sa nakalap pang impormasyon ng PEP, magkakaroon daw ng launching at unveiling ng Bench billboards ni Dingdong sa March 8. Kasama na rin daw si Dingdong sa mga rarampa sa pinaplanong Bench fashion show sometime in July.



Nagpadala ng text message ang PEP kay Dingdong upang kunan siya ng pahayag, pero ayaw niyang magbigay ng anumang komento tungkol dito. Pero kinumpirma ni Dingdong na may isang malaking event na magaganap sa buhay niya sa March 8.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN