Eugene Domingo shoots down rumored rift with Ai-Ai delas Alas


"Sa kagustuhan ko kasing walang masaktan, iniwasan kong mag-compare. Pero,mas lalo yatang napasama 'yon dahil iba't ibang interpretasyon ang lumabas sasinabi ko," says Eugene Domingo about comparing Ai-Ai delas Alas and Pokwang.


Last year, masasabing ginintuan ang ani sa sining ni EugeneDomingo. Sa Gawad Tanglaw ay cited si Eugene para sa dalawang pelikula, ang FosterChild at Pisay—dalawa sa pinakamagagandang digital films na naitanghalnoong nakaraang taon.



"Masaya ako na nakagagawa ako ng quality indie films dahil pambalanse ito.Nanggaling kasi ako sa teatro, kaya mataas din ang pagpapahalaga ko sa sining.Pero hindi nangangahulugang maliit ang tingin ko sa mainstream.



"Karamihan naman ng mga ginagawa ko, sa mainstream. Ito ang bumubuhaytalaga sa akin. Sa teatro at sa indie, proud ako na nakakapagtrabaho ako sa mgalarangang ito, na alam ko namang hindi sapat ang kikitain ko para makabili ngbahay o kotse," lahad ni Eugene sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).



Dinalaw namin ang set ng Bongga Ka, Boy! sa M. Cruz Street,Marikina, at sa harap ng kamera, talagang hindi bumibitaw sa characterniya si Uge (palayaw ni Eugene). Maski ang bida ritong si Robin Padilla ay tilanamamangha sa kanya.



"Masaya ang pelikula, at hindi na rin ako bago rito dahil ilang beses konang nakatrabaho si Wenn Deramas bilang direktor. At ang isa pang bida rito, siAi-Ai [delas Alas], nakatrabaho ko na sa TV at maging sa ilang pelikula. Kayagamay na gamay ko na," aniya.



Naobserbahan naming medyo may palihim na kilig si Eugene kapagnagpapa-picture-taking sila ni Binoe.



"Ganoon lang 'yon, pero walang pagnanasa," sabi ni Eugene."Si Binoe ang klase ng kuya na wala ako, e. Nakita ko 'yon sa kanya.



"Malalapitan mo siya at gagawa siya ng paraan, sa abot ng kanyangmakakaya," tila campaign manager ni Binoe na sambit ni Uge sa amin.


SUPPORTIVE COMEDY QUEEN. May impresyong naiwan sa press na parangnagkaroon sila ng hidwaan ni Ai-Ai dahil sa pagkukumpara niya rito noon kayPokwang.



"Wala namang ganoon," mabilis na sabi pa ni Uge. "Pala-palagaylang ng iba 'yon, pero si Pokwang, luluhuran niyan si Ai-Ai. Saludo siya kay Ai-Ai dahil siya naman talaga ang Comedy Queen, at alam ni Pokwang 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa kagustuhan ko kasing walang masaktan, iniwasan kong mag-compare. Pero mas lalo yatang napasama 'yon dahil iba't ibang interpretasyon ang lumabas sasinabi ko.



"Basta, ang masasabi ko na lang, ang Comedy Queen ay Comedy Queen, at siPokwang, siya si Aruray. Tapos!" at saka natawa si Eugene sa sinabiniya.



Nakakausap naman niya si Ai-Ai at gusto rin nitong makasama si Pokwang saisang proyekto.



"Napagkuwentuhan nga namin ni Ai-Ai na puwede kaming magsama-samang tatlosa isang pelikula. Supportive si Ai-Ai sa mga tulad naming komedyante,"pahayag niya.

Magkasama ngayon sina Eugene at Ai-Ai sa Volta The TV series, samantalang nakasama naman ni Eugene si Pokwang sa pelikulang D' Lucky Ones.



UGE, THE ACTRESS. Maging si Maricel Soriano, na tunay namang versatileperformer at Diamond Star, ay nagsabi kay Eugene na puwede na itong magdala ngpelikula.



"Nagkasama kami sa Bahay-Kubo at win ako ng Best Supporting Actressaward doon. Ang unang natuwa talaga riyan ay si Marya," banggit ng comedienne.



"Noong ginagawa namin yung pelikula, wala siyang insecurities nasinasabing gawin ko ang nararapat para mag-work ang mga eksena namin. Wala sakanya yung nate-threaten na baka masapawan, dahil siya mismo, ginagawa niyaang nararapat para mapagbuti ang performance niya.



"Kaya effective kaming magkasama, e. Ganoon din sa ibang nakakasama ko,like si Ai-Ai. Kapag magkaeksena kami, bigayan 'yan, hatawan kung kailangan,para mag-work yung mga eksena namin," sabi ni Uge.



Kinatatakutan nga raw ng ibang artista si Uge dahil kapag kaeksena nila ito,puwede talaga silang lamunin nang buung-buo.



"Hindi naman ganyan ang training ko," sabi ni Uge. "Hindi kokailangang manapaw, lalo na ng mga bida sa pelikula. Sumusuporta ako kaya dapatna alam ko kung saan ako nakatayo.



"Alam din nilang ginagawa ko ang nararapat, at hindi dapat pinapasok saisipan na ang nakakaeksena mo ay kakumpetisyon mo. Walang ganoon.



"Sa teatro kasi, tinuruan kami na magkaroon ng disiplina at gawin anghinihingi ng role, at ang ibang kasama namin ay dapat magtulungan para saikaka-work ng mga eksena, hindi sapawan ang magandang paraan para mag-work'yun," pagwawakas ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN