Claudine Barretto clueless about Marjorie's "kept man"

"I don't ask them. Ang konti ng oras namin ni Marjorie mula nang maging councilor siya. Hindi ko siya masyadong nakikita," says Claudine Barretto about the affairs of her sister Marjorie (inset).



Jobless ngayon ang mister ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago sa GMA-7. Katatapos lang lumabas ni Raymart sa Zaido and, so far, wala pa raw bagong offer sa aktor ang Kapuso network.

Sa second night ng burol ng ina ng dating manager ni Claudine na si Manay Ethel Ramos ay nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Tinanong namin ang aktres kung ano ang pinagkakaabalahan ngayon ng kanyang mister.

"Nagpapatayo kami ng rest house sa north, sa Tanay. Yun, busy siya dun. Halos every day nandun siya," kuwento ni Claudine.

Kung si Raymart ay pahinga muna sa kanyang career, si Claudine ay nagte-taping na para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang second installment ng The Susan Roces Collections titled Maligno.

"Naka-siyam na taping days na kami, pero ngayon hindi kami makapag-taping kasi maulan. Ang daming location, ang daming effects," lahad ng aktres.

Ano ang pakiramdam na gagampanan niya ang role na unang ginampanan ni Susan Roces?



"Unang-una, privileged talaga kasi Susan Roces collection," sambit ni Claudine. "Napakagandang offer, di ba? Hindi mo matatanggihan. And if I'm not mistaken, dito nanalo si Tita Swanie ng maraming awards. Sobrang challenging!"



MARJORIE'S "KEPT MAN." Nagpunta sa Hong Kong last week si Claudine, kasama ang buo niyang pamilya at kalahati ng Santiago family. Kabilang sa pamilya ni Claudine ang kapatid na si Marjorie Barretto at ang mga anak nito, minus ang mister ni Marjorie na si Dennis Padilla.

May balitang pinatigil na ni Marjorie si Dennis sa muling panunuyo nito sa kanya. Ano ang masasabi ni Claudine dito?



"Alam mo talaga, sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang nangyayari sa buhay ng mga kapatid ko," sabi ni Claudine. "I don't ask them. Ang konti ng oras namin ni Marjorie mula nang maging councilor siya. Hindi ko siya masyadong nakikita."



After Dennis, wala bang alam si Claudine na ibang lalaki na nagugustuhan si Marjorie ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala e," maikling sagot ng youngest sa Barretto sisters.



Pero sa album na Unexpected ng isa pa nilang kapatid na si Gretchen Barretto, inalayan niya ng kanta si Marjorie at ang tinawag ng controversial actress na "kept man" ng kapatid.

"Siguro malamang may nanliligaw sa kanya [Marjorie] or something," reaksiyon ni Claudine.

Hindi kaya si Caloocan Mayor Recom Echeverri ang tinutukoy ni Gretchen na "kept man" ni Marjorie?

"Binata ba siya?" tanong ni Claudine. "Na-meet ko na siya nung campaign. Buntis pa ako that time."



RELATIONSHIP WITH GOD. Hindi ba natatakot si Claudine na matulad din sa kapatid niya ang kahinatnan ng relasyon niya kay Raymart?



"Ang difference namin ni Raymart [kina Marjorie at Dennis], siguro pareho kaming gumagawa ng conscious effort na hindi kami magkaroon ng problema. Like, nagkaka-counseling kami, ‘tapos dapat laging constant yung communication.

"Sabi nga ni Raymart, laging sinsabi ng iba mga tao, si God dapat ang nasa center ng relationship. Pero hindi talaga nila alam kasi wala naman talaga silang relationship with God talaga.

"Ang ano talaga namin ni Raymart is that we make it an effort to love God first before each other. Ilang years pa lang kami, di ba? Parang alam ko rin na ‘pag dumating yung araw na nagkaroon ng mga trials, pagsubok lang ‘yan ng Diyos because He wants something better for you and for your marriage, and not for you to grow apart.

"And I'd like to think that if ever na hindi nag-work out yung kay Kuya Dennis at Marj, I'd like to think also na yung sa amin naman ni Raymart, it's gonna be more solemn. For our parents' sake na rin also and not only for our own sake. Matatanda na rin naman sila. And I want them to be proud of us naman," pahayag ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN