Comedienne Tuesday Vargas works freely for both ABS-CBN and GMA-7

"Okay na ang ganito na palipat-lipat ako. Para mas maraming trabaho.Yun naman ang advantage naming mga hindi contract artists, di ba? Maychoice talaga kami to work kahit saan at madali nila kaming makuha," says Tuesday Vargas.



Masuwerte ang comedienne na si Tuesday Vargas dahil nakakapagtrabaho siya sa dalawang giant TV networks ng bansa. Kapag wala pa siyang offer sa GMA-7, malaya siyang nakakapag-guest sa ABS-CBN.



Sabi nga ni Tuesday sa presscon ng bagong Sine Novela ng GMA-7 na Kaputol ng Isang Awit, hindi naman siya nag-ilusyon na maging exclusive ng Dos o Siete. Hindi raw siya kalakihang artista para ikontrata sa isang network lang.



"Wish ko lang, di ba?" malakas na tawa niya. "Okay na ang ganito na palipat-lipat ako. Para mas maraming trabaho. Yun naman ang advantage naming mga hindi contract artists, di ba? May choice talaga kami to work kahit saan at madali nila kaming makuha.



"Tsaka malaking tulong sa amin ang maraming napagtatrabahuan. Hindi naman kalakihan ang per taping day na bayad namin, unlike ng mga contract stars. Kaya mas maraming raket, mas maganda."



Sinabi rin ni Tuesday na kapag may regular show siya sa isang network, as much as possible ay hindi siya tumatanggap ng guesting sa kalabang istasyon.



"Bilang respect lang naman 'yon sa kumuha sa aking services, di ba?" paliwanag ni Tuesday. "Tulad noong huli kong regular series sa GMA-7 na Mga Mata ni Anghelita, hindi ako tumanggap ng guesting sa Dos para siyempre, paggalang mo na ‘yon sa nagbigay sa iyo ng work. Lahat ng extra raket ko, mga shows sa labas. May banda naman kasi ang asawa ko kaya ka-join ako sa mga gigs nila."



KAPUTOL NG ISANG AWIT. Ngayon ay kasama si Tuesday sa Kaputol ng Isang Awit bilang kaibigan ni Glaiza de Castro.



"As always, kikay-kikayan ang role ko sa Kaputol ng Isang Awit. Malaki ang kinalaman ko rin sa pagiging singer ni Glaiza sa series na ito. First time kong makatrabaho ang mga bagets na ito kaya exciting para sa akin na mapasama sa bagong show na ito," masayang sabi ni Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



KASAL, KASALI, KASALO THE TV SERIES. Nabanggit din ni Tuesday na baka raw gawing TV series ang Kasal, Kasali, Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Since kasama siya sa original cast ng pelikula, nabanggit na raw sa kanya ang project na ito.



"Sinabihan na ako regarding that, pero mukhang matagal pa naman siya. Kasi ang alam ko, may ibang sinimulan na soap si Juday kaya feeling ko, matagal pa siyang masisimulan. Habang wala pa, dito muna ako sa GMA-7.



"In fairness to GMA-7, maalaga sila at magaganda ang mga roles na ibinibigay nila sa akin. Hindi lang basta nilagay ako. Kumbaga, may relevance sa istorya. At siyempre, mas maganda silang magbigay ng talent fee! Nagiging honest lang po ako!" natatawang pagtatapos ni Tuesday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN