Charlene Gonzalez enjoys hosting more than acting

"Ako yung magsasalin sa kanya ng kabibe," jokes Charlene Gonzalez on what she will do if ever she would be asked to appear in the TV version of Dyesebel.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Charlene Gonzalez nangdumalaw ito sa huling gabi ng wake ng nanay ni Manay Ethel Ramos. Si ManayEthel ang manager ng husband niyang si Aga Muhlach.

Ang sister-in-law niyang siArlene Muhlach ang kasama niyang dumalaw sa burol. May taping kasi si Agafor That's My Doc.

PROUD AND EXCITED. Naikuwento ni Charlene how excitedshe is sa pag-e-air ng bago niyang show sa QTV-11, ang Proudly Filipina.Nakapag-tape na siya for three episodes at very happy pa niyang ikinuwentosa amin, no less than Diamond Star Maricel Soriano ang featured Filipinanila.

"Ang saya ng naging taping namin. Ang ganda ng episode naminna yun with Maricel. Ang dami rin naming napagkuwentuhan. Pati yung kaibahannoon at ngayon sa showbiz," kuwento pa ni Charlene sa amin.

Nag-a-advance taping na raw siya for Proudly Filipina dahil nakatakdasilang umalis nina Aga at ang kambal nilang sina Atasha at Andres for the U.S.Manonood kasi sila ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas.

"It will also serve as vacation for all of us, for the family. Graduation narin kasi nila [Atasha and Andres] sa school this March. So, tamang-tama lang. Si Aga nga lang, medyo mauuna siyang bumalik sa amin dahilmay mga commitments pa siya. Me and the kids can still stay up to twoweeks siguro," lahad ni Charlene.

TRY ACTING ON TV. Napunta sa soon-to-be aired GMA-7fantaserye na Dyesebel ang aming pag-uusap. Naitanong tuloy namin sakanya kung ito na kaya ang chance for her to try serious acting on TV, lalona't siya ang pinakahuling aktres na gumanap na Dyesebel sa pelikula.



"Naku, patay tayo diyan!" natatawang bulalas ni Charlene. "Hindi koalam. Pagdating sa mga ganyang bagay, I think, you have to ask Aga kung papayagba siya," dagdag pang sagot ng dating Bb. Pilipinas-Universe.



Dati na raw may mga nagtatanong sa kanya kung puwede ba siyang gumawa ng dramaseries o soap opera. Kaya nga lang, wala pa naman daw direktang nag-o-offer sakanya. At ngayong gagawin na ang Dyesebel for TV, may tanong na rin kungpuwede ba siyang gumanap as part of the cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako yung magsasalin sa kanya ng kabibe!" pabiro'tnapahalakhak si Charlene. Lumabas narin daw kasi ang ama niyang si Bernard Bonnin sa TV version of Palos,being the original Palos himself.



On a serious note, mahaba at malalim na pag-uusap daw siguro ang mangyayariif ever dumating na yung offer for her to do a soap opera or to go back toacting on TV.

"Si Aga talaga ang makakasagot sa bagay na ‘yan at kungpapayag ba siya," seryosong pahayag ni Charlene. "Baka mas siya pa yung dapatkausapin kaysa sa mommy ko!

"Mukhang ang dami yatang pagdadaanan. Aside from my mom[Elvie Gonzalez, who also happens to be her manager], si Aga pa. Mabuti nalang yung kambal, mga bata pa, or else, baka pati sila dapat ding konsultahin."



TV HOSTING. Hindi ba nami-miss ni Charlene ang pag-arte sa harapng kamera? Puro na lang kasi siya hosting.



"Honestly, hindi ko alam," sagot niya. "Hindi ko alam kung nami-miss ko ang actingbecause I'm enjoying what I'm doing right now, which is hosting. Kahityung sa At Home Ka Dito noon, sobrang nag-enjoy ako ro'n at ang dami koring natutuhan. Dito nga sa Proudly Filipina, obviously, sobrangenjoy rin siyang gawin. At lahat din ng mga shoot namin, puro location.



"At saka enjoy rin ako sa mga bata [Atasha and Andres]. They are growing fast.Next school year, magge-grade one na sila. Hindi pa lang namin alam ni Agakung saan namin sila ipapasok na school. So, we're still looking around.

"And with my husband, napakabait ng asawa ko. Ang suwerte kosa asawa ko," very proud pang pahayag ni Charlene na tila ganti sa sinabi noonni Aga sa isang interview na napakasuwerte niya kay Charlene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN