Kapuso network now casting other roles for "Dyesebel"

Marimar stars Marian Rivera and Dingdong Dantes will be reunited in the TV adaptation of the well-loved comics story Dyesebel.



Ngayong may formal announcement na kung sino ang gaganap na Dyesebel, hinahanapan ng GMA-7 ang magiging cast of the upcoming primetime soap.

Magsasamang muli ang tambalan nina Marian Rivera (Dyesebel) at Dingdong Dantes (Fredo) in this first television serialization of the classic Mars Ravelo mermaid in the '50s. Ito ang magiging next project nila pagkatapos ng Marimar.

Si Marian ang magiging unang Dyesebel sa TV, as Edna Luna was the first Dyesebel in two successive movies, Dyesebel (1953) and Anak Ni Dyesebel (1964). Ara Mina made a special appearance as Dyesebel sa Darna ni Angel Locsin noon.

Ang iba pang mga aktres na gumanap bilang Dyesebel ay sina Vilma Santos (1973), Alma Moreno (1978), Alice Dixson (1990), at Charlene Gonzalez (1996).

Dingdong is the first TV incarnation of Fredo na unang ginampanan ni Jaime dela Rosa sa pelikula. Other actors who played Fredo in Dyesebel films were Romeo Miranda, Mat Ranillo III, and Matthew Mendoza. Sa 1990 version ng Dyesebel, Fredo's name was changed to Edward, na ginampanan naman ni Richard Gomez.

GMA-7 is doing its final casting for the other memorable characters of Dyesebel. Although may mga pangalan nang nababanggit, hindi pa ito puwedeng mailabas dahil hindi pa nakakausap ang iba sa kanila. Baka magulat sila pag nauna pa nilang malaman ang balita sa media.

Ang ilan sa mga sure co-stars of Marian and Dingdong will be the pair of Aljur Abrenica and Kris Bernal, fresh from their Zaido: Pulis Pangkalawakan. Mga tao ang papel nila rito.

Another sure cast member is Jean Garcia, na tao rin ang gagampanang papel.

May nai-cast na bilang si Betty, ang ex girlfriend ni Fredo na magiging kalaban ni Dyesebel sa pag-ibig, at ang syokoy na in love naman kay Dyesebel ngunit, as mentioned, hindi pa sila puwedeng mapangalanan. Ang tunay raw na wala pang final cast ay ang mga magsisiganap na mga taong dagat na kasama ni Dyesebel from Banak (ang sirena na kumupkop kay Dyesebel) to Diangga (ang sirenang reyna ng karagatan).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN