KC Concepcion willing to do a movie with Richard Gutierrez to end network war

"If this will end the network war, I would gladly do it. Wala namangnangyayari, puro sa diyaryo lang ‘yan. Sana mangyari sa totoong buhaypara masimulan na," says KC Concepcion about an offer to do a movie with Richard Gutierrez.



Napamangha ang marami nang dumating si KC Concepcion sa press conference niya bilang endorser ng Sony Cybershot kanina, February 28, sa Trade Hall 1 ng SM Megmall.

Hindi tinantanan ng media si KC hangga't hindi siya nagpapaunlak ng interview. Hindi maikakaila na uhaw ang media sa kanyang mga sasabihin.

END THE NETWORK WAR. Halata sa mga mata ni KC ang excitement nang tanungin kung nakarating na sa kanya ang offer ng GMA Films na i-produce siya ng pelikula. Kung nagkataon, maaaring maging co-producer ng GMA Films ang rival film outfit nitong Star Cinema ng ABS-CBN. Sa Star Cinema balitang gagawa ng unang pelikula ni KC na posibleng pagtambalan nila ni John Lloyd Cruz.

Sa naturang offer ng GMA Films, makakatambal ni KC ang Prince of Primetime ng Kapuso network na si Richard Gutierrez. Nali-link din ngayon si KC kay Richard.

Saka-sakaling tanggapin ni KC ang naturang offer, ito na marahil ang magtatapos sa network war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

"One thing I can say, hindi ako sang-ayon sa network war," pahayag ni KC. "It would be great in the sense na may bigger purpose than just a loveteam. May higher purpose. If this will end the network war, I would gladly do it. Wala namang nangyayari, puro sa diyaryo lang ‘yan. Sana mangyari sa totoong buhay para masimulan na."

Equally excited naman ang GMA Films president na si Annette Gozon-Abrogar nang kumpirmahin niya ang offer kay KC.

"Nagpadala na kami ng feeler sa Star Cinema kung gusto nilang i-co-produce ang KC-Richard Gutierrez movie," kuwento ni Ms. Annette sa PEP. "Kami namang mga film producers, nakatuon sa ikakabuti o sa gusto ng mga manonood. Kaya yung network war, wala naman talaga ‘yan. The film should be for the good of the Filipino viewers."

Dagdag pa ng big boss ng GMA Films, kung maaayos na ang usapan, maaaring hindi matapos ang taon at matutuloy na rin ang pelikula ng dekada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE REAL SCORE. Minsan nang sinabi ni Richard Gutierrez habang nasa lie-detector test sa segment ng kanyang birthday special na "A Handsome Journey" na espesyal daw sa kanya si KC.

Kilig na kilig ang mga miyembro ng media kanina nang tanungin ang dalaga kung totoo ngang nagpadala ng bulaklak si Richard sa kanya noong Araw ng mga Puso.

"Buti na lang favorite ko yung flowers na pinadala niya [Richard]!" ang sagot ni KC sa tsismis na labis ikinakilig ng marami.

Nagpadala raw ang binata ng maraming long-stemmed roses noong Valentine's Day.

Itinanong din ng GMA Films at PEP (Philippine Entertainment Portal) kung totoo ngang nanliligaw sa kanya si Richard.

"Ask him, ask him na lang. I don't know what his intentions are, but we're friends. If there's anything more that he wants out of it, then that's for him to answer, not for me," sabi ng panganay ni Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN