Dennis Trillo confirms open communication with Cristine Reyes

Dennis Trillo happily announces that his relationship with both Cristine Reyes and Carlene Aguilar are now amicable, compared to last year.


Nakabalik na ng bansa recently ang controversial actor na si Dennis Trillo matapos ang ilang araw na pamamalagi sa Los Angeles, California.

Kasama ni Dennis na nagpunta ng Amerika sina Yasmien Kurdi at Jolina Magdangal para magtanghal sa mga Pilipino na naninirahan sa L.A. Supposedly ay four days lang dapat sila roon ngunit humiling ang mga ito ng extension para ma-enjoy nila ng husto ang sinasabing "Showbiz Capital of the World."

"Originally, mga ano lang yata, four or three days lang pero pina-extend namin para maging mga ten, para masulit naman ‘yong punta namin. Kasi ang haba ng biyahe 'tapos para sulit ‘yong pagpunta namin talaga. 'Tsaka first time namin sa L.A.," said Dennis when chanced upon by StarTalk in the airport.

Obvious naman na nag-enjoy si Dennis kahit pa sabihing maikli lang ang U.S. vacation nito.

"Sarap!" sambit ni Dennis na very relaxed ang aura ngayon. "Sarap ng weather do'n. Sana ganoon din ang weather sa Pilipinas. Malamig, maaraw, pero malamig ‘yong simoy ng hangin."

Balak ni Dennis na mag-exercise para makapagbawas ng timbang. Aminado ang guwapong aktor na nag-gain siya ng weight sa ilang araw na pamamalagi sa Amerika.

"Ngayon magbibisekleta ako kasi ano, e. Wala akong masyadong exercise do'n puro lakad lang," paliwanag nito.

THE SCORE WITH CRISTINE. Ilang araw matapos ang Valentine's Day ay inamin ng young sexy actress na si Cristine Reyes na nag-date sila ni Dennis bagama't mabilis nitong nilinaw na magkaibigan na lang sila at wala raw balikan na nangyari.

Hindi naman itinanggi ni Dennis na may communication na ulit sila ng nakababatang kapatid ni Ara Mina. Wala na raw galit o tampuhan matapos ang issue noon involving ang isa pang babaeng nagkaroon ng kaugnayan din kay Dennis, si Carlene Aguilar.

"Oo, nagkakamustahan, ganoon," acknowledged ni Dennis. Hindi nga lang makasagot nang diretso ang aktor nang tanungin kung may romance ba ulit na umuusbong sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko sigurado," ang tentative na sagot nito. "Ewan ko, e. Siya na lang ang tanungin ninyo siguro dahil hindi ko talaga alam kung ano'ng score."

PROUD FATHER TO CALIX. Typical of any father, masayang ibinalita ni Dennis na namili siya ng mga pasalubong para sa baby nila ni Carlene na si Calix Andreas.

Smooth na naman daw ang relasyon nila ng dating kasintahan na si Carlene at wala ring problema pagdating sa visitation arrangements niya sa bata.

"Mamaya baka ano, dadalaw sa ‘min para mabigay ko na ‘yong mga pasalubong... mga damit-damit," pagmamalaki ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN