Megan Young was last to know of her friend Eda Nolan's pregnancy

Megan Young was Gian Carlos's (inset, bottom) girlfriend when they were starting out on GMA-7 but they eventually broke up. She later became close friends with Eda Nolan (inset, top) in ABS-CBN's ASAP, while Gian and Eda were on. Only through PEP did Megan learn, still much later, that rumors of Eda's baby bump were true.


PEP (Philippine Entertainment Portal) recently attended ABS-CBN Talent Center's birthday presscon for their February-born talents. Ito rin ang pagkakataon upang makausap namin si Megan Young to ask her about her reaction to her friend Eda Nolan's pregnancy by Megan's ex-boyfriend Gian Carlos.

Sa ABS-CBN na nga nag-18 si Megan na regular na ngayon sa ASAP. Pagkakita namin sa kanya, may communication na ang mga mata namin pagkasabi namin na gusto namin siyang makausap nang sarilinan. It took several rounds of table-hopping with the other press people bago namin siya na-corner.

"I know what you're gonna ask," ngiting pasok sa amin ni Megan and so we asked her muna kung may nagtanong na.

Wala raw dahil walang nakakaalala. Megan was Gian's first girlfriend noong mga baguhan pa lang sila sa GMA-7. StarStruck na si Megan noon at lumalaban sa third batch si Gian nang nagkamabutihan sila. But before the grand finals of StarStruck III, nagkalabuan na sina Megan and Gian. At that time, sina Gian and Jackie Rice na, the StarStruck III ultimate female survivor.

Isa pala sa mga unang naging kaibigan ni Megan sa ABS-CBN si Eda dahil nagkakasama sila sa ASAP "Full Circle" production segment.

"Nang papasok na ako sa ABS, sila na yata. Pero naging friends pa rin kami, so we talk. Nagkukuwento siya so it was a nice feeling that she's open about it. Matagal na rin naman kaming walang communication ni Gian that time. 'Tapos may common friends pa kami, so naging close kami.

"Kaya lang, bigla siyang nawala noon sa show ni Aga Muhlach (That's My Doc) so our friends were wondering bakit. Kasisimula pa lang ng show, bigla siyang mawawala.

"Then her handler told us nabubulag daw si Eda at kailangang magpagamot."

Eda has an eye ailment, this we learned earlier. Noong bata siya, natusok ng pencil ang mata niya kung kaya't nagiging erratic ang paningin niya na minsan biglang lumalabo to the point of blindness kung kaya't kailangan ng constant medication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Balita namin noon, magpapa-operate siya sa mata, so I felt, kawawa naman siya."

Then, their common friends heard of talks na buntis nga raw si Eda. Wala namang makapag-confirm nito kahit sa mga kaibigan nila.

"Hindi naman ako makapagtanong. It's really embarrassing specially on my part kasi friend ko siya and her boyfriend is an ex, so, wala na lang. We thought it's just another tsismis."

Nalaman ni Megan na totoo ang balita sa PEP.

"Nabasa ko sa PEP, the one you wrote, so nagulat din ako. Totoo pala.

"I'm glad they took the responsibility. Even at their young age, they became responsible at itinuloy nila. Kung yung iba yun, baka nagpa-abort. So, I'm so happy for them."

Hypothetical ang last question namin sa kanya. Kung sakali, tatanggapin niya ba ang alok nina Gian and Eda na maging ninang siya sa baby?

"No, I don't think they're gonna do that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN