Iza Calzado admires her leading man Robin Padilla's chivalry

"... [Robin Padilla] has that notion in his mind of how a gentleman or a man should treat a lady. Yun lang siya. Sa mundo niya, chivalry is that strong," says Iza Calzado when asked about Robin as a leading man and as a real person.


Sa kabila ng kanyang pagkaabala sa trabaho, may time pa naman si Iza Calzado para sa kanyang love life.

Ayon kay Iza, going strong pa rin daw ang relasyon nila ni Gerry Garcia. Pero we learned na hindi pala ito dumadalaw sa tapings ni Iza.

"Hindi naman sa ayaw, hindi pa lang nagkakaroon ng time."

Tulad ni Iza, sobrang busy rin ang kanyang kasintahan. Manager ito ng bandang The Speaks na nagpasikat ng kantang "High."

"'Tapos meron kasi silang events company, at yung The Speaks, they will be releasing another album here in the Philippines this year. So, ‘yon yung inaasikaso niya muna rito ngayon.

"Yung banda, dati puro Pinoy, ngayon dalawa na yung Americans, ‘tapos tatlo pa rin yung Pinoy, ‘tapos this year magri-release sila rito under... I think Universal or Warner? I'm not sure. Pero yun ang inaasikaso niya ngayon."

JUDGE NOT JENNYLYN. Hiningan din namin ng pahayag si Iza tungkol kay Jennylyn Mercado na naging close din kay Iza nang gawin nila ang Encantadia noon.

"Oo, actually, anak ang tawag ko sa kanya. May apo na nga rin ako ro'n [sa Encantadia]. Ha-ha-ha!

"Mabait na bata yun," ani Iza about Jen. "At feeling ko...alam mo kasi tayo, hindi naman natin naiintindihan, like, as human beings, kung bakit nangyayari yung mga bagay-bagay right now, ‘di ba? But in the long run, who knows?

"Kung may kailangan siya, sabihin niya sa akin. Support, gano'n. Not necessarily naman anything, if she needs somebody to talk to, gano'n. I just wanted her to know na whatever happens, gano'n pa rin yung tingin ko sa kanya, nothing will change," pagpapahayag ng suporta ni Iza sa former co-star and first StarStruck ultimate female survivor. Nag-react din si Iza sa bumabang pagtingin ng ilang tao kay Jennylyn.


"Ano ba naman yun? Hindi naman porke't nabuntis siya that makes her a bad person, susmaryosep! Who are we to judge her? I'm not one to judge her. I know the realities of life, and her being pregnant celebrity is something lang na very obvious kaya lahat ng atensyon, nasa kanya. But I know she'll recover, matatag kasi siya, e. Strong girl."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROMANCED BY ROBIN? At bilang leading lady ni Robin Padilla sa action-adventure na Joaquin Bordado ng GMA-7, kung sa action scenes nakababad si Robin, si Iza naman, more on the drama acting ng programa.

"Ako, wala pang aksyon dito, medyo mahirap lang emotionally," says Iza.

Nahihirapan pa ba siya sa drama acting, gano'ng Hollywood actress na siya?

"Wala namang kinalaman yun do'n. ‘Tsaka ano ako dito, may asawa, may anak, pamilyado. Ang layo sa totoo, ‘di ba? I've never been in that situation but iniisip ko na lang kung ano yung mapi-feel, siyempre with the guidance of my director, si Direk Mac [Alejandre] and with the help of my co-actors. Malaki yung nagagawa nila. ‘Tsaka a good script is very important."

Ready na ba siyang ma-link kay Robin?

"Wala naman yata siyang leading lady na hindi na-link sa kanya. Ha-ha-ha!

"Link lang naman, so okey lang. And ‘pag na-link kami, ibig sabihin, okey ang acting namin bilang mag-asawa, convincing. So, okey lang."

Ano si Robin as a leading man and as a person?

"Maalaga talaga siya, true to how the stories are. Yung everything na sinasabi sa kanya, yung mga inaalagaan niya, everything, totoo. Gentleman, gano'n talaga siya.

"Pero tingin ko hindi lang talaga sa leading lady yun, kasi nagkakataon na ang siyempre una niyang gagawan no'n, yung lagi niyang kasama, yung pinaka-leading lady niya nga.

"But feeling ko, sa lahat naman ng babae sa set na nakakasama niya, lalo na yung mga artistang babae sa set, gusto niyang makita na kumportable.

"Kasi parang he has that notion in his mind of how a gentleman or a man should treat a lady. Yun lang siya.

"Sa mundo niya, chivalry is that strong."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN