Ryza Cenon turns down digital film with bold scenes

"Siyempre babakat yun. Hindi ko kayang gawin yung gano'ng eksena, pati yung love scene," explains Ryza Cenon about why she rejected a digital movie with Mark Herras.


Tinanggihan ni Ryza Cenon ang digital movie na noon pa sana nila gagawin ni Mark Herras dahil may eksenang kailangang mag-wet look at makipag-love scene kay Mark si Ryza.

"Ewan ko, kasi sobrang ano, e...ang nasa script na nabasa ko, nakakamison lang ako na walang panloob, walang bra, ‘tapos, umuulan pa at mababasa ako," simulang kuwento ni Ryza sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Siyempre babakat yun," nahihiya pang wika ni Ryza sa amin. "Hindi ko kayang gawin yung gano'ng eksena, pati yung love scene."

Sa lahat ng StarStruck talents, mula pinakauna hanggang sa fourth batch, isa si Ryza sa iilan na lamang na hindi pa nagpapa-sexy.

Ang rason niya, marami na nga naman ang nagpapaseksi, kaya bakit pa siya makikisali? Isa pa, siya mismo, desisyon niya yun dahil hindi niya talaga kayang gawin.

"Siguro wala talaga sa personality ko yun, malayung-malayo. ‘Tsaka hindi ako yung mga pa-girl-pa-girl na ganyan. Medyo boyish po kasi ako, e. Parang mahirap mag-transform agad sa pagiging sexy na hindi ko ginagawa in normal life."

Happy naman si Ryza sa career niya ngayon, kaya okey lang sa kanya na second choice lang siya sa role niya ngayon sa Joaquin Bordado. (Si Jennylyn Mercado ang unang napili para sa role.)

"Okey lang po. Kasi project ‘to, e. Kumbaga ang hirap tanggihan, baka magtampo sa akin yung blessings na natatanggap ko, ‘tapos tatanggihan ko rin, baka wala nang dumating. Okey lang yun."

Magka-partner sila ni Mark Herras sa Joaquin Bordado. Malamang ma-link na naman sila, pero ayon kay Ryza, sanay na siyang nali-link kay Mark.

Sa ngayon, walang boyfriend si Ryza dahil ayaw pa niya, puro siya trabaho ngayon.

Kapipirma lang niya ng kontrata sa GMA-7 at wala siyang planong makisali sa nauusong lipatan ng ilang artista sa mga TV stations.

"Importante po sa akin ang loyalty ko sa GMA. Sila po ang nagpakilala sa akin as ganito. Utang na loob ko sa kanila na naging artista ako, na dito ako kumita sa ganitong age ko. Sila ang nagbigay sa akin ng chance na magawa yung mga gusto kong gawin at matupad ang pangarap ko na maging artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN