Anne Curtis is open to Sam Milby courting her again

Anne Curtis promises Maging Sino Ka Man viewers amore exciting story about her character Celine Magsaysay and JBRoxas-Berenguer (Sam Milby). She says, “JB and Celine, it’s a beautiful lovestory and there’s so much to look forward to… Grabe yung mga mangyayari,promise!”



Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang The Buzz co-host na si Ruffa Gutierrez sa kanyang interviewee na si Anne Curtis kahapon, March 2. Sa umpisa pa lang ay agad nang sinabi ni Ruffa, "Anne, napaka-blooming mo ngayon. Ikaw ba ay niligawan na ulit ni Sam Milby?"

Napangiti na lang si Anne at sumagot ng simpleng "Yes."

Matatandaang napabalita noon ang diumano'y relasyon ng dalawang Maging Sino Ka Man stars na sina Anne at Sam. Ngunit hindi ito nagtagal, ayon sa The Buzz, dahil sa kanilang pagiging Christians.

Ano naman ang naging dahilan ngayon upang muling manligaw si Sam kay Anne?

"I guess it was just something that we prayed about muna," sagot ni Anne.

Ayon sa young actress, inabot din ng ilang buwan bago muling magparamdam sa kanya si Sam. "Siguro eight or nine months na before he finally laid his intentions down," kuwento ni Anne.

Nang tanungin ni Ruffa kung anu-ano ang mga intensiyon na ito, sinabi ni Anne, "Courting in a Godly way, na we really have God in the center of what we share."

Hindi naman daw nagmamadali sina Anne at Sam na magkaroon ng relasyon. Sa katunayan, ipinapasa-Diyos na rin ni Anne kung anuman ang magiging kapalaran nila ni Sam. Aniya, "Well, I believe that God will make everything beautiful in his own time and we're still both growing and that right time will come. So yun na lang muna."

Kaugnay nito, hindi na rin muna iniisip ni Anne ang pagpapakasal, tulad ng nangyari sa characters nila ni Sam sa Maging Sino Ka Man. Paliwanag ni Anne, "As of now, siguro we're both still young and we both have our careers to concentrate on. And there's still so many things I wanna do in my life as well. Hindi pa siguro ngayon."

Bukod sa maging sa Maging Sino Ka Man, excited na rin si Anne sa pelikulang kanyang ginagawa kasama si Aga Muhlach, na matagal nang crush ni Anne. Ito ay may titulong Waiting For Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Anne, kakaiba ang kanyang magiging role sa pelikulang ito. "I guess it's a challenging role for me, coming from Celine naman [her character in Maging Sino Ka Man]. Ibang Anne ang makikita n'yo dito. And of course, kasama ko si Aga Muhlach dito. Finally, I was given the opportunity to work with him so super excited naman ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN