Jason Abalos denies having one-year-old child with a lawyer

"Parang nakakatawa naman na sa buong buhay ko, hindiko naisip na magkakaroon ako ng ganyang isyu. Simple lang naman talaga angbuhay ko, hindi ako sanay sa ganyang isyu. Hindi ko po maiisip na maiintrigaako nang ganito," laments Jason Abalos in The Buzz, about the Pinoy Paparazzi picture and article saying he has a son with a lady lawyer.



"Hindi ko po kilala yung bata at hindi ko rin po kilala yungmga gumagawa ng isyu," bungad na sagot ni Jason Abalos tungkol sa kanyang anakdiumano sa isang abogado.

Sa February 22-24 Issue 36 ng Pinoy Paparazzi,lumabas ang isang larawan ng batang lalaki na diumano'y anak ni Jason. Angnaturang bata ay kinukupkop daw ngayon ng isang abogado na naging karelasyon ngbinatang aktor.

Mariin naman itong itinanggi ni Jason sa The Buzz kahapon,March 2. Ayon kay Jason, hindi niya itatanggi ang bata kung anak niya talagaito. Dagdag pa niya, "kung mayroon man akong anak, siguro iuuwi ko po sa bahay,hindi ko po ibibigay kung kani-kanino. Anak ko po iyon, e, parang kadugo ko po iyon. Sa pamilyanamin, ako lang yung Abalos. Kung lalaki man yun, kukunin ko po iyon."

Hindi rin maisip ni Jason ang posibilidad na magkaroon siyang isang taong gulang na anak dahil hindi naman daw siya nagkaroon nggirlfriend noong nakaraang taon.

"Parang pinag-iisipan ko iyon nung una baka po totoo,"paliwanag ni Jason. "Noong sinasabi nila yung bata isang taon pa lang, so ibigsabihin noong nakaraang taon lang po 'yan. Noon pong nakaraang taon wala namanakong naging girlfriend."

Ganito rin ang naging pagtanggi ni Jason sa abogadongnakarelasyon diumano niya. Aniya,"Gusto ko nga siyang makita, gusto ko ngang makilala para malaman ko kung anoang motibo niya, e.

"Ano ba ang motibo mo para sabihin yung ganun? Wala akong alam, e. Parang bigla na langpaggising ko sa umaga bigla na lang—‘Boom!'"

Dahil sa pagkagulat sa isyu, hanggang ngayon ay hindi paalam ng binatang aktor kung ano ang kanyang tunay na nararamdaman. Para kayJason, "Hindi ko nga rin po alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mgalumalabas, kasi unang-una, hindi ko po siya [abogado] kilala, hindi ko alamkung sino yung batang iyon, kung saan nanggaling. Parang wala akong puwedeng sabihin para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang noong una po, ayaw na naming [pamilya ko] pansininkasi alam namin na sa showbiz na may ganyan talaga na lalabas. Kaya langtalagang lumaki na po yung isyu at talagang na-TV na siya. So, hindi na potalaga namin kaya, hanggang sa marami na pong tao ang naapektuhan."

Sa huli, nag-iwan na lamang ng mensahe si Jason sa mgaposibleng nagkakalat ng isyu na ito laban sa kanya.

Ang hamon ni Jason: "Siguro sa magulang ng bata, kasinakakaawa ang bata na ginagamit sa dyaryo, siguro magpakita kayo para malamanng tao kung ano talaga yung totoo.

"Sa abogado, kung sino ka man, magpakita ka. Tutal namanganun ka katapang para ilabas yung ganyang isyu, ‘di ba? So, siguro panindiganmo na yung ginawa mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN