Dina Bonnevie talks about being mom to Danica and Oyo

"Hindi ako nakikialam sa love affairs ng mga anak ko. Matatanda na sila. Alam na nila ang tama at mali. I can onlyguide them. Pero kapag nag-open up na sila sa akin, nanay pa rin nilaakong pakikinggan sila," says Dina Bonnevie about her children Danica and Oyo Sotto (inset).



Nagpapahinga ang aktres na si Dina Bonnevie nang abutan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Babangon Ako't Dudurugin Kita sa Divine Grace Hospital sa Tanza, Cavite last Friday, February 29.

As the matriarch of a syndicate sa nabanggit na bagong soap opera ng GMA-7 na mapapanood na starting March 24, napagod daw si Ms. D sa mga eksenang katatapos lang mai-shoot ni Direk Joel Lamangan. Sa kabila nito, nagpaunlak pa rin siyang kausapin ng PEP tungkol sa mga anak niyang sina Danica at Oyo, at pati na tungkol sa kanyang Lebanese boyfriend.

Ano ang masasabi ni Dina tungkol sa relasyon diumano ni Oyo sa aktres na si Kristine Hermosa?

"Ang alam ko, wala naman silang relasyon," sabi ni Dina. "Talagang close lang sila simula noong magkasama sila sa Enteng Kabisote. If ever na totoo, sabi ko naman kay Oyo, dapat malaman niya kung hindi talaga totoong kasal si Kristine kay Diether Ocampo, at kung hindi na ba talaga mahal ni Kristine si Diether. Ayoko naman kung sakali na makasira sa isang relasyon ang anak ko. Sabi naman daw ni Kristine, hindi sila talaga kasal ni Diether.

"Ilang beses nang isinama ni Oyo si Kristine sa church. Minsan nagdi-dinner na kasama namin, pero sabi nila, barkada lang daw sila. Sabi ni Oyo, kung talaga raw gusto niya si Tin-Tin, di sana noon pa daw. ‘Tsaka ang tawag nga niya kay Kristine ay 'My,' as in mommy dahil mag-ina nga sila sa Enteng Kabisote. Hindi ko rin naman sila nakikitang lovey-dovey kung kasama ko sila.

"Hindi ako nakikialam sa love affairs ng mga anak ko," patuloy ng aktres. "Matatanda na sila. Alam na nila ang tama at mali. I can only guide them. Pero kapag nag-open up na sila sa akin, nanay pa rin nila akong pakikinggan sila.

"Like minsan, sabi ni Oyo, sad daw siya dahil nakipag-break na siya. Sabi ko, baka naman hindi pa ‘yon ang right girl for him. Pero ang kabilin-bilinan ko sa kanya, huwag siyang mambubuntis. Sagutin ba naman ako na pananagutan daw naman niya kung sakali. Kahit na pananagutan niya, ayoko pa rin. Gusto ko ‘yong kapag kasal na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka kung minsan, hinahanap ko rin siya. Kapag hindi niya ako dinadalaw, pinapupunta ko siya sa bahay. Binata na raw siya. Keber ko, basta kailangang bisitahin niya ako sa bahay. Darating naman siya, very loving naman kasi ang mga anak ko," kuwento ni Dina.

DANICA SOTTO. Hindi ba siya nagkaproblema kay Danica bago napangasawa ng panganay niyang anak ang PBA cager na si Marc Pingris?

"Hindi naman mawawala ‘yong nakikita mo ring nasasaktan ang anak mo," saad ni Dina. "Masakit din ‘yong makikita mong matamlay siya, ayaw kumain, namamaga ang mga mata sa kaiiyak. Pero minsan, tinatanong ko rin siya, baka naman siya ang may kasalanan sa breakup. O di kaya baka ‘yon na ang sign ni God na maghiwalay na sila talaga.

"Hindi ko naman hinigpitan si Danica, dahil ayoko namang magaya siya sa akin noong araw na napakahigpit ng daddy ko sa akin. Kapag may dumating na flowers, sa basura ‘yon tumutuloy. Ang card, nauuna pa niyang [Dina's father] basahin, nag-i-eavesdrop siya kapag may kausap ako sa telepono.

"Pero ang kabilin-bilinan ko rin kay Danica, huwag siyang uuwi sa akin na umiiyak dahil buntis siya. Na hindi naman nangyari, dahil ang bait-bait naman ng napangasawa niya, si Marc. Napaka-understanding, at mahal na mahal siya kaya wala na siguro akong mahihiling pa.

"Iyon nga lang, delicate ang pregnancy niya. Maya't maya tinatawagan niya ako. Gusto niya lagi akong nasa tabi niya. Kapag kumakain kami, gusto niya kung ano ang nasa plate ko, ‘yon ang kakainin niya. Kapag magkatabi kaming natutulog, minsan magigising ako na nakatitig lamang siya sa akin. Kapag tinanong ko kung bakit, wala lang daw, gusto lang niya akong tingnan."

Natawa si Dina sa biro naming baka siya ang pinaglilihian ng anak.

"Dahil doon, hindi ako nakaalis nung Christmas season na ginagawa ko taun-taon. Ayaw ko kasi siyang [Danica] iwanan. Balak pa naman namin ng boyfriend ko na pumunta ng Vienna at Prague. Dadaan din kami sa kanila sa Lebanon, then sa Switzerland sana dahil nagkasunud-sunod din ang trabaho ko. Kaya hindi ako makaalis bago pa nagbuntis si Danica," lahad ni Dina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw na sanang sagutin ni Dina ang tanong kung payag siyang tawaging lola, pero nagpaunlak na rin siya.

"Naku, tama na ang isyung ‘yan, last na ito!" natatawa niyang sabi. "Five months na si Danica, pero hindi ko inisip na I will be a grandmother. Sabi ko kay Danica, kukurutin ko ang anak niya kapag tinawag akong ‘lola.' Gusto ko ‘Mama D' ang itawag niya sa akin."

Iba raw ang pagtingin sa apo kesa sa anak. Ma-spoil kaya ni Dina ang una niyang apo?

"I'm not a spoiler," sabi niya. "Kahit sa mga anak ko, hindi ko ginawa ‘yon. Pero sana nga hindi ko ma-spoil ang baby. Naka-schedule pa lang this week si Danica ng ultrasound para malaman nila ang gender ng baby. Pero magandang magbuntis ni Danica. Sabi nila baka raw baby girl ang anak niya. Basta healthy ang baby, kahit boy or girl, okay na sa amin."

DINA'S LEBANESE BOYFRIEND. May nasulat na balak na raw nilang magpakasal ng Lebanese boyfriend niya. Totoo ba ito?

"Tingnan natin," sagot niya. "Almost three years na rin naman kami. Kung mga anak ko nga ang tatanungin, gusto nilang mag-asawa na ulit ako para matahimik na ako. Magiging kampante raw sila kapag nagpakasal na ako."

Okay lang ba naman ito sa former husband niyang si Vic Sotto?

"Wala namang problema, since siya naman ay ipinaubaya ko na sa iba," nakangiting wika ni Dina. "Tingin ko nga sa kanya, parang tatay ko na siya. Eight years din kasi ang age gap namin at binibiro ko nga siya na ready na siyang maging lolo. Siya naman, ‘panganay' ang tawag sa akin. Feeling niya, barkada lang ako nina Danica. Kung minsan ‘pag may lakad sina Danica, ang tanong daw sa kanila, ‘O, darating ba si Panganay?'"

Kumusta naman sila ng girlfriend ngayon ni Vic na si Pia Guanio?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Pia naman, I like her dahil she knows what's her place. She's very intelligent. Sa mga family gatherings, lagi rin kaming magkausap. We respect each other. Walang problema sa akin, mahal siya ng mga anak namin ni Vic," pahayag ni Dina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN