JC de Vera doesn't mind if Yasmien Kurdi has non-showbiz BF

When asked for his reaction to rumors that love team partnerYasmien Kurdi has a non-showbiz boyfriend, JC de Vera replied,"Maganda yung relasyon namin, sobrang kumportable na kami saisa't isa. Kaya siguro kung meron man [non-showbiz boyfriend ni Yas], e di...ewanko, wala namang masama sa akin. Kumbaga hindi naman affected yung work niya."


Hindi natatakot si JC de Vera na baka pagsawaan na sila ngpubliko since third time na nilang magpa-partner ni Yasmien Kurdi sa upcomingprimetime drama show ng GMA-7, ang Babangon Ako't Dudurugin Kita.

"Tuwing may show naman kami, iba-iba ang pino-portray namingcharacters, iba ang istorya, so, bakit naman kami matatakot? Iba-iba yungnakikita nila sa amin, hindi pare-pareho," bungad ni JC nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal).

"Iba-iba yung acting, iba-iba yung character. Ang bihisnamin, ang itsura namin, iba-iba, e," dagdag pa niya.

Kaya nga raw walang dapat ikasawa ang mga manonood.

"‘Tsaka parang feeling namin, back to zero kami kasi firstprimetime show namin, e. So, parang aalisin mo yung experience namin from thepast two shows [Pati Ba Pintig ng Puso at Pasan Ko ang Daigdig],kasi nga parang back to one kami," esplika pa ni JC.

Dati, laging pang-hapon ang mga show nila ni Yasmien.Ang Babangon Ako ang unang primetime na magkasama sina JC at Yas. Atkung may dapat daw kabahan, si JC 'yon.

"Kasi si Yas, nakapagbida na ‘yan sa Bakekang, e.Primetime yun. Ako, first ko ‘to. Kumbaga, masyadong mataas na yungexpectations ng tao. Pero ang feeling ko naman, kaya ibinigay yung unangdalawang shows na pang-hapon, kumbaga, training grounds na rin sa amin. Para‘pag sinuwerte lang kami na umabot kami sa primetime, kumbaga, ready na,"palagay ni JC.

Since nabanggit na rin naman si Yasmien, normal lang nakumustahin namin si JC kung ano na ang estado ng relasyon nila. Kumusta nanga ba sila?

"Ganun pa rin," matipid na sagot ni JC.

Ganun pa rin, as in, sila pa rin?

"Kami pa rin? Hindi."

So, kung hindi sila, may katotohanan kaya yung mgabali-balitang may totoong boyfriend si Yas na non-showbiz?

"Well, kung meron man...kumbaga wala na ako ro'n, labas akoro'n. Kasi sa aming dalawa naman ni Yas, hindi kami nangingialam sa personal nabuhay ng isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang pinakaano namin talaga is meron kaming goodworking relationship, meron kaming mutual understanding na nakakatulong lalo sawork namin.

"Kumbaga, maganda yung relasyon namin, sobrang kumportablena kami sa isa't isa. Kaya siguro kung meron man [non-showbiz boyfriend niYas], e di...ewan ko, wala namang masama sa akin. Kumbaga hindi naman affectedyung work niya."

Hindi siya galit or nagseselos, if ever totoo nga?

"Hindi naman, bakit naman ako magagalit? Siguro okey lang saakin," pag-assure ni JC sa amin.

Meron din daw kasing girlfriend na iba si JC?

"Wala ngayon, wala. Hanggang ngayon, single pa rin ako," tanggi niya.

Hearing this from him, kinumusta tuloy namin ang love lifeng binatang Kapuso.

"Medyo it's not good..." tipid uli nitong sagot.

Bakit naman?

"Maganda ang career, e," natatawang pagtatapos ni JC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN