Yasmien Kurdi feels pressured in doing remakes

Yasmien Kurdi feels the pressure in doing the TVadaptations of Kris Aquino's Tasya Fantasya and Sharon Cuneta's BabangonAko't Dudurugin Kita. "Ang hirap saremake, pressure siya kasi laging iko-compare sa original," says Yasmien.


"First time akong mag-a-announce na tuloy po ang TasyaFantasya, first Sunday ng April," sagot ni Yasmien Kurdi nang tanunginsiya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang mga upcomingprojects.

Excited ang young actress na ibalitang gagampanan niya angnaging role ni Kris Aquino sa 1994 movie na Tasya Fantasya. "Sobrang excited ako kasi iba ang role kodito, sobrang comedy," paglalarawan ni Yasmien nang makausap siya ng PEP sa The Launch ng Tree House Production, isang cause-oriented event ng mga bandana pinangungunahan ng Hale.

Sa katunayan, nakausap na rin daw ni Yasmien si Kris ukoldito. Kuwento niya, "Dati po pelikula ito ni Ms. Kris Aquino. I told her na ire-remake ko nga yung TasyaFantasya. Sobrang tuwa siya,ganyan, ‘Talaga? Ire-remake mo yung Tasya?' Sabi niya, ‘O, sige, galingan n'yo na lang.' Kasi yung versiondaw nila, hindi nila trip masyado. So,pressure talaga."

Nagkasama sa pelikulang Happy Together sina Yasmien at Kris.

Bukod sa leading man niyang si Rainier Castillo, hindi pa sigurado si Yasmien kung sinu-sino ang iba nilang makakasama sa Tasya Fantasya. Malalaman daw niya ito sa gaganaping pictorial para sa programa ngayon,March 4.

"I don't know kung same cast pa rin or tatanggalinlahat. Dati kasi si Gladys Reyes, Idon't know kung tatanggalin siya kasi buntis siya. Pero hindi ko talaga alamkung ano'ng mangyayari sa pictorial," paliwanag ni Yasmien.

PRIMETIME SOAP. Bukod sa Tasya Fantasya, malugod ding ibinalita ng StarStruckalumna na kasali siya sa papalit na soap opera sa Marimar, ang BabangonAko't Dudurugin Kita, which will start on March 24.

Dahil sa dalawang remakes ang magiging projects ni Yasmien,nakakaramdam daw siya ng pressure sa pagganap sa kanyang mga role na gagawin.

Para kay Yasmien, "Ang hirap sa remake, pressure siya kasilaging iko-compare sa original. Like saBabangon Ako't Dudurugin Kita, remake siya na film dati ni Ms. Sharon Cunetaand Christopher de Leon, Bembol Roco, and Hilda Koronel. Ngayon, gagampanan ko yung Salve, ang roleni Ms. Sharon Cuneta. 'Tapos si JC [de Vera] siBembol Roco; si Marvin Agustin si Christopher de Leon; and Angelika dela Cruz, siyasi Hilda. 'Tapos ngayon naman, TasyaFantasya din. So, yun, medyopressure lang talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AFTERNOON DRAMA PRINCESS. Dahil sa sunud-sunod na projects niya sa afternoonDramarama ng GMA-7, binabansagan ngayon si Yasmien bilang Princess ofAfternoon Teledrama, kapartner ang sinasabi namang Prince of Afternoon Teledramana si JC de Vera.

Ano naman ang pakiramdam ni Yasmien nang malaman niyangganito ang tawag sa kanya.

"Nagulat ako!" sagot ni Yasmien. "Nung sa presscon 'tapos biglang yun nga yung binigay sa amingtitle. Ako, parang, ano yun,nakakagulat. I mean, hindi ako ganunkasanay na marinig yung ganun na title. Medyo nakakapanibago. Perongayon, parang ayos lang kasi parang palagi na kasi. Bahala na sila kung anong tawagin nila."

SINGING CAREER. Sa patuloy pang pag-uusap, nabanggit din ni Yasmien na kagagaling lamangniya kamakailan sa California para sa pagpro-promote ng kanyang secondalbum na Love Is All I Need.

Aniya, "Mayroon akong bagong single, ang‘Take It or Leave It,' sa second album ko pa rin. May ilalabas pa rin akong mga bagong singles, e, hindi ko langmasyadong [maasikaso] kasi grabe talaga yung schedule."

Naghahanda na rin daw 19-year-old singer-actress sa kanyangmagiging third album. Ayon kay Yasmien,nag-iipon pa siya ng kanyang mga komposisyon na maaaring isama sa kanyanggagawing third album.

Sa ngayon, magiging abala muna si Yasmien sa pagpapakilalang iba pang singles mula sa kanyang second album. Isa sa mga ito ang "Candlelight Romance" na isinulat Sandwichband members na sina Mong Alcaraz at Mike Dizon. Ang nasabing kanta ay nagwagi ng Texters Choice Award atBest Editing sa SOP Music Video Awards 2007.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN