Robin Padilla warns would-be suitors of daughters: "Champions ang mga ‘yan!"

Robin Padilla is very proud of his daughters Kylie andQueenie. Aside from their acting talents, both Kylie and Queenie aremartial arts champions.


Sa pinaka-recent na pagdalaw ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa taping ng Joaquin Bordado, nakita naminkung gaano ka-supportive na ama si Robin Padilla.

Kahit hindi niya eksena ang kukunan, matiyagang nakamasid atnakabantay si Robin sa kanyang anak na si Kylie Padilla. Kahit na habangnagpa-practice pa lang ito ng fight scenes at stunts for the saidaction-adventure show ng GMA-7, nakabantay rin si Robin.

Co-star ni Robin sa Joaquin Bordado ang 15-year-oldniyang anak at pinauna na ni Robin sa amin na hindi siya ang nagpilit napumasok ito sa showbiz. Si Kylie daw mismo ang may gusto.

"Nasa kanya yun, eh! Kasi hindi naman ako ang may gustoniyan, siya ang may [gusto]... Lahat ng mga anak ko na gustong mag-artista, gustonila yun. Ako sumusuporta lang," pahayag ni Robin sa PEP.

Tungkol pa kay Kylie, very proud father si Robin habangminamasdan ang anak.

"Napakagaling. Kahit paano, hindi nasayang yung mga trainingnila [sa martial arts]! Kasi mga bata pa lang yan, nagte-training na sila.Natutuwa ako, nakikita kong nagagamit nila."

QUEENIE THE ACTIVIST. Actually, hindi lang si Kylieang anak ni Robin na unang pumasok sa pag-aartista, mas nauna pa nga siQueenie.

"Nauna si Queenie. Kaya lang, nalinya sa mga ‘revolutionaryfilms' at ‘revolutionary music' yung anak kong ‘yan. Wala siyang hilig sa mgaganito [mainstream showbiz], e. Ang gusto niya, yung mabibigat na pelikula. Mgaindie, may kinalaman sa problema ng bansa," kuwento pa ni Robin tungkol sa anakniyang si Queenie.

"Makabayan yun, aktibista. Gumawa nga kami ng pelikulatungkol sa mga problema ng Pilipinas, yung mga ganun. ‘Tapos ang mga kanta nun,puro ‘pang-rebelde.'

Ang pelikula raw nila ni Queenie ay sa Australia ginawafor an Australian-Filipino production. Medyo maselan daw ang topic nito at satingin niya, hindi puwedeng ipalabas sa Pilipinas.

"Hindi papayagan dito yun. Hindi naman subersibo, nagsasabilang ng totoo," paglilinaw pa ni Binoe.

Wish na lang ni Binoe, dahil sa angking hilig at talent nganak sa pag-arte, mahilig din ito sa mainstream showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahilig din talaga [sa pag-aartista]. Sana lang, mahilig sapaggawa ng mga shows na tulad nito [Joaquin Bordado]."

CHAMPION DAUGHTERS. Proud na proud si Robin sakanyang mga anak at malaki ang tiwala niya sa mga ito. In fact, hindi nga rawsiya nag-aalala kung may manligaw man sa mga ito. Hindi dapat mag-alalaang mga manliligaw nito sa kanya, kundi mas dapat silang matakot sa kung anongkaya ng mga anak niya.

"Pinapaalala ko lang kung sino man ‘yan, e, champions ‘yangmga anak ko. Champions ang mga ‘yan."

Well-trained nga sa martial arts at self-defense sina Kylieat Queenie. At kahit na may nagbabalak na lumigaw sa mga ito, bakama-disappoint lang dahil mas priority raw nina Kylie at Queenie ngayon angmaisakatuparan ang mga goals at ambisyon nila sa buhay.

NO INTERVIEWS YET. Walong taon pa lang daw ang mgaanak niya, handa na ang mga ito sa pagpasok sa showbiz. Isang bagay lang angkailangang patuloy na i-master ng mga ito.

"Ayoko muna silang mai-interview kasi may problema pa saTagalog. Gusto ko Tagalog talaga."

Hindi rin pabor si Robin na gawan ng ka-love team ang anakniyang si Kylie.

"Hindi talaga. Sayang naman yung ginastos ko sa [martialarts] training niya kung magla-loveteam lang siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN