Duterte supporters Vivian Velez, Liza Diño criticize PNoy, Kris for alleged misuse of presidential chopper

Apr 22, 2016
<p>Celebrities Vivian Velez (left) and Liza Diño air their disapproval over the alleged misuse of the presidential chopper when PNoy and Kris Aquino allegedly rode the said vehicle on their way to the political rally of the Liberal Party candidates in Ceb

Pinuna nina Vivian Velez at Liza Diño ang pagsakay sa presidential chopper ni President Benigno “PNoy” Aquino at ng kapatid nitong si Kris Aquino sa pagdalo diumano sa campaign rally ng Liberal Party sa Cebu kamakailan.

Bukod sa dalawang aktres, marami pang netizens ang bumatikos kay Kris dahil sa paggamit daw nito ng presidential chopper para ikampanya ang standard bearer ng LP na si Mar Roxas at running mate nitong si Leni Robredo.

Read: Kris Aquino heavily criticized for allegedly using presidential choppers at LP sortie

Sinabi sa mga naunang ulat na sumakay sa presidential chopper sina Kris at PNoy nang nagpunat sila sa inauguration ng solar power plant sa San Carlos Ecozone, Barangay Punao, San Carlos City, Negros Occidental.

Read: Did Kris Aquino really use presidential chopper for LP campaign sortie?

Pero matapos nito ay lumipat daw ang presidential choppers sa Dalaguete, Cebu.

Continue reading below ↓

Mula roon ay bumiyahe by land ang LP group patungo sa Argao, Cebu, kung saan sinamahan daw nila sina Roxas at Robredo.

Kahapon, April 20, sa isang campaign sortie ng LP sa Bulacan ay nagsalita si Kris tungkol sa isyu.

Ipinagtanggol din ni PNoy si Kris at sinabing bilang miyembro ng presidential family, pwedeng sumabay sa kanya si Kris sa presidential chopper.

Sinabi pa ng Pangulo tungkol sa kapatid: “Siguro batid naman ng lahat na isa siya sa pinakamalaking individual taxpayer, okay.”

Read: Kris Aquino speaks up on presidential-chopper issue

VIVIAN AND LIZA. Naging matapang naman ang pahayag ng partner ni Aiza Seguerra na si Liza Diño, partikular sa mga bumabatikos sa kanilang kandidato na si presidential candidate Rodrigo Duterte, kaugnay ng naging pahayag ni PNoy.

Status ni Liza sa kanyang Facebook post kahapon: “This is THE DUMBEST ANSWER a president can ever say to address a national issue concerning misuse of taxpayers' money!!!

Continue reading below ↓

“Pero bakit wala kayong imik lahat ngayon???

“Ito, hindi ba ito issue?!?

“Bakit? Dahil ba nakaka-relate kayo sa kanya?

“Ganito din ba katindi ang sense of entitlement ninyo that you don't see anything wrong in this picture?

“Wow, bigyan nyo naman ng dignidad yung pagiging ANTI-DUTERTE nyo.

“Nawawalan ng bearing dahil pagdating sa issueng ganito, tameme kayo.

“C'mon, get out of your f#*@n' bubble!”

Continue reading below ↓

Sa FB post naman ni Vivian Velez, pinuna rin niya ang mga larawan kung saan makikita si Kris na bumaba sa presidential chopper.

Sabi ng beteranang aktres, “Something's wrong here... 5 Government helicopters used by Kris to campaign for her candidates. Kaban ng bayan? Pwede ba 'to?”

Base sa posts ni Vivian, si Duterte rin ang sinusuportahan niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Celebrities Vivian Velez (left) and Liza Diño air their disapproval over the alleged misuse of the presidential chopper when PNoy and Kris Aquino allegedly rode the said vehicle on their way to the political rally of the Liberal Party candidates in Ceb
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results