Sharon Cuneta still with Kiko, dismisses rumored rift with KC

"It's so funny, because every year na lang, may ibang balitaon Kiko and me na nakakapagtaka. Una niyan, nagkaroon siya ng ibang babae, nextmay ibang family na raw siya. Kelan lang natsismis naman siya sa lalake, kayDavid Celdran na best friend niya. Nakakabaliw, di ba?" says Sharon Cuneta about the latest break-up rumor with husband Sen. Kiko Pangilinan. The Megastar also clears rumored rift between her and daughter KC Concepcion.



Sa naganap na birthday party ni Rudy Fernandez sa Wack-WackCountry Club kagabi, March 3, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang Megastar na si SharonCuneta. Tinanong namin siya tungkol sa balitang kumakalat nahiwalay na raw sila ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan.

As usual, pinagtawanan na lang ni Shawie ang balitang ito. Taun-taon na lang daw kasi ay parating nababalitang hiwalay na sila ni Kiko. Perotaun-taon din ay laging pinasisinungalingan ng Megastar ang ganitong mga balita.

"Sa 12 years na magkasama kami, siguro naman enough reasonna 'yon para makita nila na maayos ang pagsasama naming mag-asawa," nakangitingsaad ni Shawie.

"It's so funny, because every year na lang, may ibang balitaon Kiko and me na nakakapagtaka. Una niyan, nagkaroon siya ng ibang babae, nextmay ibang family na raw siya. Kelan lang natsismis naman siya sa lalake, kayDavid Celdran na best friend niya. Nakakabaliw, di ba?

"Ngayon, may iba na naman silang sinasabi about our family.Naku, nakakasawa na! Ibahin naman na nila ang mga tsismis sa amin ni Kiko. Kasithe more na ginaganyan nila kami, the more na mas nagiging malapit kami.

"It's true, kasi as compared sa past years namin namagkasama ni Kiko, mas closer kami ngayon. After two kids nga [Frankie andMiel] and KC [Concepcion] always by our side, mas malapit kaming pamilya ngayon. Is that whatthey call na hiwalay? Hindi, di ba?"

MOTHER AND DAUGHTER THING. Naitanong din namin kay Sharon ang diumano'y tampo ni KC sa kanya.Binigyan daw siya ni KC ng Valentine's Day card dahil nagkaroon daw sila ng gap.

"Ay, hindi naman," paglilinaw ni Sharon. "That was just the usual mother-daughterthing. Hindi naman masasabing tampuhan. It was sort of a lambing lang, kasi ngahalos hindi na kami nagkikita ng anak ko dahil sa sobrang busy niya.

"She handed me a Valentine's Day card at niyakap niya ako.Malambing kasi ‘yang si KC, and I guess, na-miss namin ang isa't isa. Kayanoong Valentine's Day, kami ni KC ang nag-date. Nag-bonding ulit kaming mag-inaafter such a long time. Pareho kasi kaming naging busy talaga kaya we weren'table to get in touch unlike noon," lahad ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN