Isabel Granada has problem with professional fee for "Pirate's Blood"

"Our producers, Mr. Mohsin and Mr. Prim are both kind people.But sometimes things happen na hindi mo inaasahan, like problems with ourprofessional fees which may check namang inabot, pero dated after a month natapos ang shoot," relates Isabel Granada about her bad experience whileshooting the multi-racial movie Pirate's Blood.



Nagpadala na ng text message sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres na si Isabel Granada. Humingi rin siya ng paumanhin sa hindi niya pagsagot agad sa tanong namin tungkol sa diumano'y hindi magandang karanasan niya sa shooting ng Pirate's Blood saOman.

Ang Pirate's Blood ay tungkol sa pitongAsian-Americans na biglang nanganib ang mga buhay habang nagbabakasyon nangmasangkot sila sa misteryong nakapaligid sa kayamanang pag-aari pala ng mga pirata.

Natapos ni Isabel ang pagsu-shoot niya ng movie sa Oman, atnakauwi na sa Pilipinas in time for the presscon of Kaputol ng Isang Awitkung saan kasama siya sa cast. Sa mismong presscon ng naturang Sine Novela, nalaman ng PEP(Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon pala siya ng bad experiencehabang sinu-shoot niya ang Pirate's Blood.

Nag-decline si Isabel namagkomento tungkol sa sinasabing bad experience niya. Sinabi na lang nito nanaayos na raw ang problema niya at hindi na siya nagkuwento pa.

Sinikap naming malaman mula kay Isabel ang buong istorya ngnabanggit na bad experience niya sa Pirate's Blood, pero natagalan bagosumagot ang dating child star.

Until finally, heto ang sagot ni Isabel sa amin:

"Experience working with different races is not hard namanpo. Mabait at madali rin silang katrabaho. Even our director Mark Ratering is ajolly person.

"Our producers, Mr. Mohsin and Mr. Prim are both kind people.But sometimes things happen na hindi mo inaasahan, like problems with ourprofessional fees which may check namang inabot, pero dated after a month natapos ang shoot.

"Kasi Mr. Mohsin was betrayed by his co-investors. But Itold him na hindi naman ako involved sa usapan nila. So knowing people fromU.A.E., they take their word and hoping soon po ako mabayaran with the help ofthe Philippine Embassy in Oman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN