GMA Films prepares for comeback movie of Gabby Concepcion

Former matinee idol Gabby Concepcion is scheduled to make an acting comeback via GMA Films' Love Cruise.



Bukod sa pelikulang Love Is Blind...and Deaf nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid, pinaghahandaan na rin ng GMA Films ang comeback movie ni Gabby Concepcion na may tentative title na Love Cruise to be directed by Mark Reyes.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na naka-schedule sometime in April ang shooting ng Love Cruise. Inaayos na ang pag-uwi ni Gabby sa Pilipinas para walang bulilyaso at nang makapag-shooting siya nang tuluy-tuloy.



Makakasama ni Gabby sa Love Cruise si Jolina Magdangal. Love interest ng dating matinee idol si Rufa Mae Quinto.

Ang isa pang malaking sorpresa sa pelikulang ito ay kasama sa cast ang isa sa mga talent ni Lolit Solis. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkasamaan ng loob sina Gabby at Lolit dahil sa Manila Film Festival scam noong 1994.



Ang nakarating sa PEP, naayos na ang negosasyon between Lolit and GMA Films. Pasok na ang talent ng talent manager-TV host sa Love Cruise. Saka na ninyo malalaman kung lalake o babaeng talent ni Lolit ang makakasama sa pelikula, ang importante ay susuportahan niya indirectly ang comeback movie ng kanyang former talent.

Nabalitaan din ng PEP na ang FLT Films producer na si Mrs. Rose Flaminiano ang magiging manager ni Gabby dito sa Pilipinas. Ibig sabihin, si Mommy Rose ang tatanggap at sasala sa mga offer sa aktor. Hindi rin magugulat ang PEP kung buhayin muli ni Mommy Rose ang FLT Films at mag-produce ng pelikula para kay Gabby.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN