Rayver Cruz more comfortable in his team-up with Maja Salvador

"I must admit puwede akong ma-in love kay Maja, bakit naman hindi?Mahirap namang magsalita ng tapos. Sa ngayon kasi, sobrang close kami," says Rayver Cruz about his new screen partner Maja Salvador (inset).



Pagkatapos buwagin ang tambalang Rayver Cruz at Shaina Magdayao, sinisimulan na ngayong ipareha ng ABS-CBN si Rayver kay Maja Salvador. Magkasama sa grupong UD4 sina Rayver at Maja at napapanood din sila ngayon sa programang Your Song. Balita rin na sila ang magkapareha sa remake ng soap opera na Anna Liza.



Kung tutuusin naman ay dati pa dapat nai-push ang tambalang Rayver-Maja, pero hindi nga lang ito natuloy nang ipareha ang young actor kay Shaina. Ngayon ay kay John Prats na nali-link si Shaina.



COMFY WITH MAJA. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rayver last Sunday, March 2, sa ASAP '08, hindi niya itinago ang excitement at kasiyahan sa desisyon ng ABS-CBN na bigyan ng pagkakataon ang tambalan nila ni Maja.



"Masaya ako kasi kasi nami-miss mo yung dating katrabaho mo," pag-amin ni Rayver. "Huli kaming nagkatrabaho ni Maja sa Spirits pa. ‘Tapos di pa ganung na-establish na kami kasi love triangle namin si John Wayne [Sace]. I'm very comfortable ‘pag kasama ko si Maja kasi sobra talaga siyang maalaga.

"Ngayon nga, magkasama kami ni Maja sa Your Song. Hindi ko alam ang plano ng management. Pero kung itutuloy-tuloy nila, okay ‘yon kasi maganda rin naman kasi ang samahan namin ni Maja."

Noong una ay tumanggi si Rayver na sumagot nang tanungin namin siya kung ano ang pagkakaiba ng tambalan nila ni Shaina sa loveteam nila ni Maja ngayon. Pero umamin din sa huli ang young actor na mas kumportable siya sa bagong kapareha.



"Pareho silang masarap kasama, pareho silang maalaga. Siguro lang kay Maja, mas kumportable ako, mas nae-express ko lahat. Kay Shaina, ganun din naman ako. Pero kay Shaina kasi, moody siya minsan. Pero ‘pag tinopak naman siya, sobrang kulit. Si Maja kasi, anytime puwede mong i-approach. Pero pareho silang mabait," paliwanag ni Rayver.

CLOSED BOOK. Hindi naman lingid sa marami ang ginawang panliligaw ni Rayver kay Shaina at ang paghinto ng binata nang makumpirma ang panliligaw ni John Prats sa young actress. Ayon kay Rayver, saradong kabanata na ng buhay niya ang sa kanila ni Shaina. Pero hindi niya itinatanggi na nami-miss din niya ang samahan nila ng dating ka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Closed book na yung kay Shaina. But siyempre, nami-miss ko rin siya. Kahit naman sinong tao, ‘pag matagal mo nang hindi nakakatrabaho, nakaka-miss din, di ba? Now kasi kay Maja, masaya naman ako," sabi niya.

Hindi maiiwasan sa mga magkaka-love team ang nade-develop. Sa parte ni Rayver na nasaktan sa kinauwian ng tambalan nila ni Shaina, sa tingin ba ng young actor ay mas maganda kung purely professional na lang ang maging relasyon nila ni Maja kesa magkaroon pa ng emotional involvement?

"Mas maganda nga yata kung wala, kung purely professional lang," sagot niya. "Kaya lang, ‘pag puso na ang umiral, hindi na natin mako-control ‘pag nagtuluy-tuloy na. I must admit puwede akong ma-in love kay Maja, bakit naman hindi? Mahirap namang magsalita ng tapos. Sa ngayon kasi, sobrang close kami.

"Si Maja, ‘pag nakasama mo nang matagal, dun ka mai-in love sa kanya. Hindi siya yung unang kita mo, sapul ka kaagad. ‘Pag inalagaan ka na niya, dun ka tatamaan," pagwawakas ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN