"Entertainment Live" hosts Toni Gonzaga and Luis Manzano talk about Gretchen's walkout

Young TV hosts Toni Gonzaga (left) and Luis Manzano (right) both experienced a first in their hosting career—a guest walking out from an interview. Controversial actress Gretchen Barretto (inset) walked out of her live interview on Entertainment Live last February 23, leaving Luis and Toni speechless.



Nagtaka ang marami kung bakit nag-walkout ang kontroberisyal na aktres na si Gretchen Barretto nang mag-guest siya sa Saturday showbiz talk show ng ABS-CBN na Entertainment Live noong February 23.



Entertainment Live is hosted by Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, Bianca Gonzalez, and Luis Manzano. Dahil puro bata ang mga host ng naturang showbiz talk show, may mga pumuna na kung mas batikang TV hosts daw siguro ang nag-interview kay Gretchen ay hindi ito biglang umalis.

Pero bago pa man ma-interview nina Toni at Luis ay nag-walk out na si La Greta habang pinapalabas ang VTR tungkol sa away nila ng kaibigang si Nadia Montenegro.

Nagkaraoon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin sina Toni at Luis noong Linggo, March 2, sa ASAP '08. Nang tanungin tungkol sa walkout ni Gretchen sa Entertainment Live, sinabi ng dalawa na naiintindihan naman nila ang pangyayari.

"Okay lang sa akin ‘yon," sabi ni Toni. "She has her own reasons and it's her right. Tumuloy naman yung show, may VTR naman kami. Sa aming mga hosts, okay lang ‘yon. Pero sa mga staff na naghanda, sila yung mas higit na naapektuhan."

Ayon naman kay Luis, " Sa pagkakaalam ko, I could be wrong, alam naman niya [Gretchen] kung ano ang ilalabas, alam niya ang itatanong. It think nasabi naman ng E-Live kung anong gagawin. Ang E-Live naman, they don't want to happen na biglang isasalang yung guests na walang alam.

Sinabi rin ni Toni, isasama na lang daw niya ito sa mga karanasan niya na higit na makakadagdag sa kakayahan niya bilang TV host.



"First time siyang nangyari sa akin. At least, na-experience ko siya as a host. Sa susunod, ‘pag may ganung situwasyon, mas alam ko na kung paano ko siya iha-handle," aniya.

Pero ano nga ba sa tingin nila ang dahilan kung bakit nag-walkout si Gretchen sa kanilang programa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sabi ni Toni, "Siyempre bilang hosts ng programa, hindi naman namin alam talaga yung buong gist nung VTR saka yung content nun. Bini-brief lang kami regarding the issue, regarding the guest.

"She [Gretchen] was ready for the interview. Hindi lang niya nagustuhan yung buong content nung VTR. Actually, the whole VTR is okay with her. Pero nung ini-state na yung text messages ni Ms. Nadia, dun na siya nagalit," kuwento niya.

Dugtong naman ni Luis, “When she gothere, she was okay. Kami naman ni Gretch, magkaibigan kami kasi we did 'Circulan' together, we went to Cebu together, nag-host kami dun. When she was there [E-Live set], she was very pleasant. Pero nung ipinakita na yung VTR, yung text messages, she really got upset.”

Nagbigay rin ng kanyang pahayag si Luis sa opinyon ng iba na hindi magwu-walkout si Gretchen kung mas beteranong TV hosts ang mag-i-interview sa kanya.

“I don’t wanna say naganun," sabi ng young TV host. "But at the end of the day, tao lang tayo. When we get upset, minsannadadala tayo ng emosyon. I don’t thinkna nasa isip niya ang mag-walkout on these two kasi sila Luis and Toni lang sila. I don’t think na yun ang nasa isip niya."

Sa obserbasyon ng iba na nag-overreact lang daw si Gretchen, ipinagtanggol parin ni Luis ang aktres.

“I can’t call it overreacting, I respect it, the showrespects it. It’s not necessary nanakadagdag siya sa kaalaman ko, it’s more of tao lang talaga ang mgaartista. From the hosts' point of view,always treat your guest with respect. I’m not saying we disrespect her, but inevery interview na ginagawa ng isang host sa isang guest, tao ang kinakausapmo," paliwanag ni Luis.

Aminado rin si Luis na mahirap maging isang showbiz talk show host, lalo na kapag artista ang iniinterbyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“That’s one thing and second siguro on our part ni Toni,it’s hard because pumapasok yung age factor. For example, sila Tito Boy [Abunda], when they interview... They’ve been in thisindustry and they earned respect not only because of their talent but becauseof seniority talaga. It’s a lot harderespecially if you’re interviewing someone who is a little bit matured.

"Sa artista naman, we understand them kayasometimes when we ask questions. Hindi naman necessarily sugar-coated, but wegive naman enough respect for the artists to answer properly. We know kasi how it is to be in the hot seat. Weknow when someone really intrudes, so we try our best not to make them feelintruded sa privacy nila," pahayag ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN