Donita Rose wants to recover sexy figure before having second child

"Hindi ko panae-experience ang maging sexy ulit!" laughed Donita Rose when asked if she and husband Eric Villarama are planning to have another baby soon. "Gusto ko muna sanana ma-enjoy ang maging slim and trim before I get pregnant again."


Nakakuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Donita Rose sa naganap na birthdaycelebration ni Rudy Fernandez noong nakaraang Lunes, March 3. Isa si Donita sa mga kababaihang artista na na-linknoon kay Daboy. Nagkaroon ng tsismis sa kanila matapos nilang magtambal noon sa isang pelikula.

Para kay Donita, tapos na raw 'yon at napatunayan naman dawna wala silang naging relasyon ni Daboy. In fact, magkaibigan sila ng misis niDaboy na si Lorna Tolentino.

"Na-prove naman nathere was nothing going on between me and Daboy," nakangiting sabi ni Donita. "That wassuch a long, long time ago. Medyo baguhan pa ako noon sa showbiz when that newsbroke out. I got affected kasi nga bata pa ako noon and I didn't know what todo. Mabuti na lang, time healed everything.

"Daboy naman is a good friend. Nabibigyan lang ng malingakala ang pagiging close niya sa mga leading ladies niya. Now, ang pinaka-giftko kay Daboy is my prayers. I'm praying for his health and for the health ofhis family as well."

Kasama pa nga ni Donita noong gabing iyon ang kanyanghusband na si Eric Villarama na nanggaling pa ng Singapore. Binisita raw siyarito sa Pilipinas pero babalik daw ito agad sa Singapore dahil sa trabaho.

"Na-miss niya kami kaya he took a short vacation to visit ushere," kuwento ni Donita. "Wala naman kaming problema ni Eric sacommunication. Kahit na dito ako nagwu-work, he can always fly here kaagad. Orkung may mahabang break naman ako, kami naman ng anak namin ang lilipad toSingapore."

Kasalukuyang isa sa mga host ng ABS-CBN 2 morning show na UmagangKayganda si Donita. Meron din siyang isang religious talk show titled U-turn saUniversiTV 33.

Tinanong namin kung kelan masusundan angkanilang panganay na si Joshua Paul or JP (now 5 years old). Natawa si Donitaat sinabing hindi pa nga raw siya pumapayat mula noong pinanganak niya angkanilang panganay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko panae-experience ang maging sexy ulit!" sabay tawa ni Donita. "Gusto ko muna sanana ma-enjoy ang maging slim and trim before I get pregnant again.

"Pero seriously, weare taking our time. Ilang taon pa lang naman si JP and we're still enjoying natatlo pa lang kami. But who knows na baka this year or next year, mabuntis naako. It all depends on what God wants us to do."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN