Annabelle Rama to Lolit Solis: "Gusto mo, mag-upakan tayo!"

"Hindi ko maintindihan bakit sobra-sobra ang reaksiyon mo sapagtira sa anak ko. Lolit, nakalimutan mo na ba kung saan ka galing?Dati katulong ka ni Mother Lily [Monteverde], hinaharbatan mo ako ngbag, ng pera, ibinibigay ko sa 'yo dahil mahal kita, nirespeto kita," says Annabelle Rama (right) to Lolit Solis (left).



Tuluyan nang lumaki ang isyu tungkol sa diumano'y pang-iisnab ni Lani Mercado kay Ruffa Gutierrez sa birthday party ng GMA-7 executive Wilma Galvante noong February 22 sa Imperial Palace Suites. Ito ay dahil sa pagsali sa eksena ng manager ni Lani na si Lolit Solis at ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama.

Pagkatapos ilahad ni Ruffa ang pang-iisnab daw sa kanya ni Lani sa The Buzz noong Linggo, March 2, ay hindi naman napigilan ni manager Lolit Solis na ipagtanggol ang kanyang alaga na si Lani, na piniling manahimik para huwag na raw lumaki ang isyu.

Ayon sa kuwento ni Ruffa, nilapitan niya si Lani sa birthday party ni Ms. Wilma para batiin sa pamamagitan ng pagbebeso, pero tinalikuran daw siya ng misis ni Sen. Bong Revilla.

Nagkitang muli sina Ruffa at Lani sa burol ng ina ng talent manager ni Aga Muhlach na si Ethel Ramos. Dahil sa insidenteng nangyari sa birthday party ni Ms. Wilma ay hindi na raw binati ni Ruffa si Lani sa muli nilang pagkikita para hindi na siya mapahiya.

Bagama't sinabi ni Ruffa na ikinuwento lang niya ang naturang insidente, wala siyang balak palakihin ang isyu. Nagbiro pa nga siya tungkol dito nang sabihin niya sa The Buzz na "My pretty, perfect pouty lips [were] left hanging on air" habang tumatawa.

Kung si Lani ay nanahimik na lang, hindi naman napigilan ng kanyang manager na si Lolit na magsalita laban kay Ruffa.

Sa panayam kay Lolit ng entertainment columnist na si Ogie Diaz sa radio program nitong Wow, Ang Showbiz! noong Martes, March 4, ay sinabi ng talent manager na hindi obligasyon ni Lani na batiin ang kahit na sino.

"Ang ipinagtataka ko lang, ba't kailangang maging obligasyon ni Lani ang batiin ang kahit sino? Ang mga na-link sa asawa niya, e, siya ang legal wife? Hindi pa ba sapat na civil lang si Lani at kailangan talaga makipagplastikan yung tao sa mga nali-link sa asawa niya, sa mga sumasabit-sabit na babae kay Bong?" sabi ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RUFFA & BONG'S PAST. Ang tinutukoy ni Lolit ay ang pagkaka-link kina Ruffa at Bong noon. Inamin kasi ni Ruffa sa The Buzz na na-link sila noon ni Bong noong wala pang asawa ang panganay nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Kuwento ni Ruffa sa The Buzz: "Siguro, inisip ng mga intrigero na parang na-link sa akin si Bong like 25 years ago. My gosh! Let's all move on naman. May mga anak na ako. Panahon pa ni Mahoma 'yon, di ba? I mean, if it's that, God, it's like 25 years ago! I was only like 15, di ba? I don't see a reason na ‘yon ang maging dahilan."

Sagot naman ni Lolit sa panayam sa kanya ni Ogie, "'Day, sa totoo lang, hindi si Lani ang nagpalaki ng isyung ito, sila. Kung hindi sila kumibo, hindi sila nag-react, dedma, di ba? Nalaman ngayon ng mga tao na may nakaraan pala si Ruffa at si Bong. Dati ba, may nasulat na naging sina Bong at Ruffa? Wala naman, ah? Kaya si Lani, tahimik lang. Hindi siya dapat mag-react, dahil siya ang legal wife!"

Nang tanungin ni Ogie si Lolit kung posibleng maging simula naman ito ng pag-aaway nila ng ina ni Ruffa na si Annabelle, ito ang sagot ng StarTalk co-host: "Naku, 'pag nakita ko si Annabelle, sasabihin ko rin sa kanya na ang daming babae ang sumasabit-sabit sa asawa niya [Eddie] no'n, kaya 'pag tumatalak siya, naiintindihan siya ng mga tao, dahil siya ang legal wife!"

ANNABELLE FIRES BACK. Kagabi, March 5, ay nakapanayam naman ng TV Patrol World at 24 Oras si Annabelle kaugnay ng mga binitawang salita ni Lolit tungkol kay Ruffa. At gaya ng inaasahan, galit na galit ito at hinamon pa ng suntukan si Lolit, pati na si Ogie Diaz, dahil sa kawalang-galang ng mga ito sa kanyang pamilya.

Sinabi ni Annabelle na wala sa lugar ang mga komento nina Lolit at Ogie. Nagpakita lamang daw ito ng kawalan nila ng respeto sa Gutierrez family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko maintindihan bakit sobra-sobra ang reaksiyon mo [Lolit] sa pagtira sa anak ko. Lolit, nakalimutan mo na ba kung saan ka galing? Dati katulong ka ni Mother Lily [Monteverde], hinaharbatan mo ako ng bag, ng pera, ibinibigay ko sa 'yo dahil mahal kita, nirespeto kita.

"Ngayon di mo ako nirerespeto dahil kinakalaban mo anak ko, pati mga apo ko tinatamaan mo. Ngayon, Lolit Solis, kung matapang ka, hinahamon kita. Sabihin mo saan, ano'ng oras, gusto mo mag-upakan tayo ngayon din, okay sa akin!" nanggagalaiting pahayag ni Annabelle kay Mario Dumaual ng TV Patrol World.

Dagdag pa ni Annabelle, itinapon daw ni Lolit ang mahigit tatlumpung taon nilang pagkakaibigan dahil sa kanyang mga komento. Sinabi ng palabang ina ni Ruffa na partikular siyang na-offend sa sinabi ni Lolit na maraming babae ang nagkakandarapa kay Bong dahil sa "nota" nito, na parang pinalalabas na ganoon din si Ruffa.

Ani Lolit sa interview ni Ogie sa kanya, "Malaki kasi ang nota niyang si Bong, kaya naeelya-elya ang mga babae sa kanya! Maglaway-laway man sila sa nota ni Bong, si Lani pa rin ang legal wife!"

Isiniwalat din ni Annabelle na bago ang interview ni Lolit sa radio program ni Ogie ay nagkausap na sila ni Lolit. May usapan na raw sina Annabelle at Lolit na huwag nang palakihin ang isyu, pero hindi raw tumupad sa kanilang kasunduan ang manager ni Lani.

"May usapan na tayong dalawa kahapon [March 4], bakit nag-ano ka...nag-iba ng usapan ngayon? Tinitira mo si Ruffa sa radyo at saka sa diyaryo. Huwag kang ganyan, 'Day. Huwag kang maging duwag. Ako ang kalabanin mo," sabi ni Annabelle sa panayam naman sa kanya ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

Hindi rin nakaligtas kay Annabelle ang alaga ni Lolit na si Lani.

"Bakit ang anak ko ang iniisnab-isnab mo? Bakit, ano ba ang nagawa ni Ruffa sa 'yo? Sabi mo magsu-sorry si Ruffa sa 'yo, for what?" ani Annabelle sa 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaratangan din ni Annabelle si Ogie ng pag-atake sa kanyang pamilya sa media.



"Isa ka pa, Ogie Diaz, humarap ka rin sa akin! Lagi mong sinisiraan sina Ruffa at Richard. Kayong dalawa ni Lolit, kayo against me!" sabi ni Annabelle sa TV Patrol World.

Napag-alaman din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na sinubukan daw tawagan ni Lolit si Annabelle, pero pinagbagsakan ng telepono ng ina ni Ruffa ang manager ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN