Alessandra de Rossi finally says "yes" to FHM

Young actress Alessandra de Rossi will be FHM's April 2008 cover girl.



For the past four years, nililigawan na ng number one men's magazine in the Philippines, ang FHM, si Alessandra "Alex" de Rossi to be a cover girl. Ngunit palagi itong tinatanggihan ng nakababatang kapatid ni Assunta de Rossi.

Willing si Alex to pose for a billboard, like she did for Bench and also for a pictorial spread for a women's magazine possibly, but not for the likes of FHM.

It was a compromise deal with FHM kung paano napapayag sa wakas si Alex.

Isa sa mga passion ni Alex ay ang kumanta. She doesn't just sing, she also writes, composes, and even rearranges songs. Iba ang tipo ng kanta niya, pang-fashion club.

May isa na siyang ipinarinig sa amin na isang foreign song na binili niya ang rights to record. We were surprised that she was able to rearrange the song melody at hindi namin agad nahulaan kung ano ito, although very popular.

Early this year, sa press visit ng Kamandag the first time she taped for the Richard Gutierrez primetime soap, naikuwento na ito sa amin ni Alex—both the plan with FHM and her singing—pero off the record pa.

Sabi ni Alex noon, papayag siyang maging FHM cover girl kung pagbibigyan siya ng magazine na ma-distribute din ang kanyang demo album for every magazine sold. It seems a compromise was reached and so Alex becomes FHM's April cover girl.

Nag-shoot na si Alex yesterday, March 6, with photographer Jun de Leon. Ginawa ito sa Manila Yacht Club, sa boat ni Paul del Rosario na Advance 92. Her makeup was done by Barbi Chan, styling by Ana Kalaw, and hair by Felicity.

For April, too, ipalalabas ang music video ni Alex sa website ng FHM Philippines na part of the deal.

Si Alex ang third FHM cover girl for 2008 under the DMV Entertainment management. Sa March issue ng FHM, sina Niña Jose at Hazel Ann Mendoza ang naging cover girls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN