Comedienne Kitkat denies reports that she is pregnant

"Hindi po ako pregnant. Lagi lang po akong nahihilo at nagsusuka kasi may vertigo po ako," explains Kitkat denying reports that she is on the family way.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa singer-comedienne na si Kitkat sa presscon ng Supah Papalicious kagabi, March 6, ay idinenay niya ang naisulat na buntis siya diumano courtesy of her non-showbiz boyfriend.

"Hindi po ako pregnant. Lagi lang po akong nahihilo at nagsusuka kasi may vertigo po ako. Sosyal na sakit kasi mahal ang gamot!" patawa pa niya habang nagpapaliwanag.

"Three times a day umiinom ako, maintenance po yun kasi wala po talagang gamot sa sakit na yun. Bigla na lang aatake, lalo na ‘pag galing ka sa sakit. So may mga few days na nagiging mahiluhin ako, kaya hindi ako nakakapasok sa Punchline [a comedy bar]. So siguro dun pinik-ap na nahihilo, nagsusuka, di pumapasok, 'Ay buntis!'"

NOT YET READY. Kung sakaling mabubuntis man daw si Kitkat ng kanyang boyfriend for five years ay aaminin naman daw niya ito.

"Hindi ko itatago, hindi ko ide-deny dahil dun ko lang mapapatunayan na babae talaga ako at may matris ako!" tawa niya.

Sa ngayon ay ayaw pa raw talaga ni Kitkat na mabuntis.

"Ayoko din, kasi siyempre breadwinner ako, di ba?" sambit niya. "Siyempre, kailangan ko pang kumita para sa pamilya ko. Yung kapatid ko na pinapaaral ko, fourth year high school pa lang, maglu-Law daw siya. So feeling ko, matagal pa bago ako mag-aasawa.

"Pero siguro kung magpo-propose na yung boyfriend ko at kaya naman niya akong panindigan, pati ang pamilya ko, so why not?" dugtong ni Kitkat.

Ano ang naging reaction ng boyfriend niya sa tsismis na buntis siya?

"Natawa lang din siya," maikling sagot ni Kitkat.

OFF TO HONG KONG. Ngayong araw na ito, March 7, ang alis ng bansa ni Kitkat at ng kanyang boyfriend bound for Hong Kong.

"Kung pupunta man ako ng Hong Kong, hindi ako magpapalaglag doon," natatawa niyang paglilinaw. "Pagbalik ko, tingnan ninyo, tayong-tayo pa rin ako. Kasi sabi nila, ang nagpapalaglag daw, nagiging losyang. Five days lang naman kami doon. Ipapakita ko pa sa inyo mga pictures ko, na namasyal lang ako dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SEXY COMEDIENNE. Seksing-seksi na ngayon si Kitkat, yun ay dahil nagpa-lipo siya. Dahil sa sexy niyang katawan, kinukuha na siya para sa men's magazines. Okay lang naman daw sa boyfriend ni Kitkat ang mga sexy pictorials niya.

"Sa UNO magazine, nag-centerfold muna ako. Abangan ninyo dahil magku-cover din ako diyan. Very supportive naman yung boyfriend ko sa lahat ng ginagawa at gusto ko. Naiintindihan naman niya na trabaho lang ang ginagawa ko," pagtatapos ni Kitkat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN