Mark Herras and Rhian Ramos join the cast of Gabby-Jolina movie

My Only Love stars Rhian Ramos and Mark Herras reunite in GMA Films' My Holiday-Off (The Love Cruise). This will also serve as their first movie together.



In-announce ni Jolina Magdangal noon sa Unang Hirit na si Paolo Contis ang talent ni Lolit Solis na kasama sa cast ng My Holiday-Off (The Love Cruise)—tentative title—na magsisilbi ring comeback movie ng dating talent ni Lolit na si Gabby Concepcion.



Si Paolo sana ang magiging love interest ni Jolina sa nasabing pelikula ng GMA Films, pero nalaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon ng pagbabago sa casting nito. Naalis si Paolo sa cast, pero talent pa rin ni Lolit ang kanyang kapalit, si Mark Herras.

Pero hindi na si Jolina ang makakapareha ni Mark sa pelikula, kundi ang leading lady ng young actor sa My Only Love na si Rhian Ramos na pasok na rin sa cast.

Nagkaroon din ng pagbabago ang istorya. Love triangle na sina Jolina, Gabby, at Rufa Mae Quinto. Kung paano ito mangyayari at kung paano magiging makatotohanan, bahala na ang scriptwriter nitong si Senedy Que at ang direktor na si Mark Reyes.



Sa Italy ang location ng My Holiday-Off (The Love Cruise) at sa April 2 na naka-schedule ang first shooting day nito. Si Direk Mark at ibang staff and crew ay sa March 31 na ang alis. Hindi pa sigurado kung kasama na nilang aalis sina Mark at Rhian.



Kahit hindi makauwi ng Pilipinas si Gabby, tuloy pa rin ang pelikula. Sakaling maayos ang kanyang pagbabalik sa bansa, baka sumama siya sa promo ng kanyang comeback movie. Ang importante ngayon sa GMA Films ay masimulan na ang pelikula.



Ang suwerte kung tutuusin nina Mark at Rhian na kahit wala sa original cast, humabol pa rin sila at kasama pang bibiyahe sa Italy. Mareremedyuhan ang pagkawala ni Mark ng ilang episodes sa Joaquin Bordado at hindi siya kailangang alisin sa telefantasya na pinagbibidahan ni Robin Padilla.



Marahil ay gusto ng GMA Films na ituloy ang love team nina Mark at Rhian na unang napanood sa katatapos na My Only Love. Natsitsismis sila ngayon at hindi malayong magkagustuhan nang tuluyan habang nagsu-shooting sa first movie nila together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kahit nawala sa cast si Paolo at pinalitan ni Mark, ibig sabihin, susuportahan pa rin ni Lolit ang comeback movie ng pinakapaborito niyang alaga dati na si Gabby. Nasira ang relasyon nila bilang manager at talent pagkatapos ng 1994 Manila Film Festival scam, kung saan inilaglag ni Gabby si Lolit na diumano'y may pakana ng scam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN