Cristine Reyes still wears necklace given by ex-boyfriend Dennis Trillo

"Kaibigan ko lang talaga si Dennis. Wala namang masama kung isuot ko ang kuwintas, di ba? Maganda kasi siya," explains Cristine Reyes about wearing the necklace that Dennis Trillo gave her.



Iwas na iwas si Cristine Reyes sa usapin tungkol sa kanyang dating boyfriend na si Dennis Trillo. Mula nang daanan nila ang kontrobersiya—kung saan nasangkot ang dating girlfriend ni Dennis na si Carlene Aguilar—at tuluyang maghiwalay silang dalawa, naging tikom ang bibig nina Cristine at Dennis sa mga isyu.

Pero sa isang presscon ay inamin ni Cristine sa media na nag-date silang dalawa ni Dennis noong Valentine's Day.

Kahapon, March 6, napansin ng PEP (Philippine Entetainment Portal) at GMA News na kinikilig pa rin ang dalaga sa tuwing pag-uusapan si Dennis. Bukod dito, suot pa rin niya ang kuwintas (see photo) na ibinigay ni Dennis sa kanya nung may relasyon pa sila.

Pareho sila ni Dennis ng kuwintas na parang rope weave at may glass pendant. Nakitang isinusuot din ng matinee idol ang kaparehong kuwintas sa kanyang mga interview.

Senyales kaya ito na may namamagitan pa kina Cristine at Dennis hanggang ngayon?

"Kaibigan ko lang talaga si Dennis. Wala namang masama kung isuot ko ang kuwintas, di ba? Maganda kasi siya," pahayag ni Cristine.

Inamin din ni Cristine na may communication pa rin sila ni Dennis hanggang ngayon, pero hanggang dun na lang daw ‘yon.

"Ayoko munang mag-love life ngayon," saad ng young actress. "Mahirap kasi. Wala namang masama rin kung maging magkaibigan kami. Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Pero for now, ganoon muna."

Dagdag ni Cristine, "Sana huwag na nilang gawan ng isyu yun at huwag na sana nilang idugtong ang anak niya sa isyu, hindi naman pinababayaan ni Dennis ang anak niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN